Kulam para sa Kaaway

Masama raw magtanim ng galit sa kapwa kaso hindi naman natin mapigilan ang magalit kung tayo ay masyado na nilang nasaktan. Sabi nga, tao lang tayo na ginugustong makaganti sa tao o mga taong nagpapahirap sa atin. At maisakatuparan ito kailangan nating umisip ng paraan para makaganti o mapahirapan sila ng husto.

Paano magagawa iyon?

Kahit naman matindi ang galit mo ay hindi mo rin naman gugustuhing makulong dahil sa kagalit mo. Ang layunin mo nga ay makaganti sa kanya at hindi mangyayari iyon kung ang makakapatay ka. At ara sa ating bansa ang pinakamainam na paghihiganti ay ang pangungulam.

Hindi ko naman sinasabing tama ito kaya lang sa artikulo natin ngayon ay kailangan kong banggitin kung pano mangulam. Ah, ikaw na ang bahalang magdesisyon kung gagamitin mo ba sa iyong kaaway ang kulam na ito. Ang nais ko lang naman ay maibahagi ito sa’yo bilang dagdag kaalaman. So, anu-ano ba ang Kulam para sa Kaaway?

  1. Maghanda ng itim na kandila – Para mabihag mo ang kaluluwa ng iyong kaway.
  2. Katas ng lemon- Makabubuti ito para walang magandang mangyari sa buhay ng iyong kaway
  3. Katasin mo ang sili – Mararamdaman niya ang iyong galit
  4. Asin
  5. Larawan ng iyong kaaway – Para mas ektibo pero pwede rin namang isulat mo na lang sa papel ang buo niyang pangalan.

Ang asin mo ang magsisilbing proteksyon mo para hindi ka maapektuhan o ang iyong bahay habang ikaw ay nangungulam. Ang katas ng sili at lemon ay ibuhos mo sa larawan ng kinukulam mo. mag-concentrate ka para maalala mo ang lahat ng pagpapahirap niya sa’yo tapos ay bigkasin mo ang mga salitang ito.  ‘Maghihirap ka rin. Maghihirap ka rin.’

Pagkatapos ng orasyon na iyon ay patayin mo na ang kandila. Aalisin mo lang asin kapag natiyak mo na patay na talaga ang kandila

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here