Krus Sa Dila, Isa Nga Bang Sumpa?

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

May kilala ka ba na taong kapag nagbitaw ng salita ay nagkakatotoo? Yung tipong wala siyang intensyon sa kanyang sinabi kundi nasabi niya lang o hindi sinasadyang lumabas sa kanyang bibig. Kung naniniwala ka na may katotohanan ang tinatawag na krus sa dila, marahil gusto mo ring malaman kung paano nga ba nagkakaroon nito. May mga nagsasabi na ang sinumang may krus sa dila ay isinumpa. Maaaring ang kanyang mga magulang ay may kaalitan at nagsumpang ang kanilang buhay ay mamalasin sa pamamagitan ng pagtataglay ng kanilang anak ng krus sa dila na anumang hindi magandang lalabas sa bibig nito ay magkakatotoo.

Subalit ang paniniwalang ito ay walang katotohanan. Ang tao na nagtataglay ng krus sa kanyang dila ay hindi isinumpa ninuman. Sa halip ay siya ang may kakayahan na magsumpa ng isang tao. Hindi rin siya ipinanganak na malas. Siya ay gifted. Siya ay pinagkalooban ng isang katangian na bagamat nakakatakot tulad ng pagkakaroon ng third eye, ang kakayahan niyang maibulalas ang mangyayari sa hinaharap ay makapagbibigay ng balala. Kung ang krus sa kanyang dila ay magagamit niya ng tama, siya ay magiging kapaki-pakinabang sa pagsasabi ng hinaharap. Subalit kung ito ay gagamitin niya para sumpain ang kanyang kapwa, ang kakayahang ito ay palalakasin lamang ng kapangyarihang nagmumula sa dilim. Kapag ganito ang nangyari ay magsisimula niyang kamtin ang mga kamalasan. May balik sa kanya ang bawat sumpa na bibitawan niya. Hindi man niya ito maramdaman agad agad, ay may katiyakan na siya ay mapapahamak.

Kung ang krus na dila naman niya ay kokontrahin niya sa pamamagitan ng pagdarasal at pagbibigay babala sa mga tao, ang kanyang kakayahan ay palalakasin ng kapangyarihang nagmumula sa liwanag. Ibig sabihin ito ay nagagamit niya ng tama ang kakayahan kaya siya ay hindi makararanas na sumpain. Hindi tatalab sa kanya ang anumang pagsumpa ng kanyang kapwa laban sa kanya. Hindi rin siya magagamitan ng anumang uri ng kapangyarihang itim gaya ng kulam, barang at palipad hangin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here