Kristina Yambao, Digital Nomad Warrior

0
358
PhilippineOne author, Kristine Yambao

PhilippineOne writer, Kristina Yambao

Si Kristina ay ipinanganak noong Abril 18, 1987. Siya ay laking Mindanao. Nagtapos siya ng kurso’ng Law sa isa sa mga unibersidad sa Visayas at isinusulong niya ang kanyang advokasiya na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Isa siya sa mga naging front liner na rumesponde sa Leyte noon’g sinalanta ang probinsya ng bagyong Yolanda noong 2013.

 

               Si Kristina ay lumaki sa isang mapagmahal na pamilya na namumuhay ng simple sa probinsaya. Pagkatapos niya ng kurso’ng Law, sumailalim siya sa iba’t ibang uri ng trabaho. Naging tagapagsulat at editor sa isang lifestyle magazine, at naging paralegal at admin executive sa isang start-up na BPO company. Ngunit, mas nakilala si Kristina bilang isang trainer at facilitator ng mga seminar patungkol sa pagsulong ng karapatang pantao, kababaihan at kabataan. Naging daan siya para maipasa ng maraming barangays ang kanilang mga ordinansa sa pamamagitan ng pagturo sa kanila kung papaano ang tamang pagawa nito.

 

               Sa kasalukuyan, si Kristina ay patuloy na nagsusulat pareho online o offline patungkol sa samu’t saring genre o mga isyu—politika, negosyo, byahe o Turismo, entertainment, at lifestyle. Siya ay tinagurian ng kanyang mga kaibigan bilang isang Digital Nomad Warrior dahil sa kanyang abilidad na magsulat kahit saan, kahit kalian, at kahit sa anong klase’ng isyu. Siya din ay minsan ng tinawag na Digital Ninja dahil sa kanyang abilidad na papalit palit ng lugar—minsan makita mo siya ngayon, bukas naman nasa ibang panig na siya ng bansa.

 

               Naniniwala si Kristina na walang diet program na mabisa. Para sa kanya, lahat ng gusto mo’ng makamit sa iyong katawan ay nasa disiplina ito. Naniniwala din siya na wala nang mas bibisa pang gamot sa kahit ano’ng sakit kundi ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Iisa lang ang buhay, dapat sulitin ito sa tamang paraan upang makaiwan sa mundo’ng ibabaw ng alaala’ng makabuluhan. 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here