Kris Aquino: Queen of All Media

1472

Si Kristina Bernadette “Kris” Cojuangco Aquino ay ipinanganak noong February 14, 1971 kina Corazon C. Aquino at Benigno S. Aquino, Jr. Siya ang pinakabata sa limang magkakapatid. Noong baby pa siya, ang kanyang ama ay inaresto at nakulong. Ang kanyang ina ang nagpalaki sa kanya at sa kanyang mga kapatid.

Noong 1978 parliamentary elections, habang nakakulong ang kanyang ama na tumatakbo noong panahong iyon, ang pitong taong gulang na si Kris ay naging stand-in para rito sa mga campaign rallies. Noong elementary si Kris, nag-aral siya sa Amerika habang naka-exile ang ama roon. Noong 12 years old siya na-assassinate ang ama sa tarmac ng Manila International Airport.

Matapos ang Philippine revolution noong 1986 na nag-alis sa dating Pangulong Marcos sa puwesto, ang teenage Kris Aquino ay nagsimulang lumabas sa telebisyon at pelikula. Ang kanyang film debut ay kasama ang actor-comedian na si Rene Requiestas sa Pido Dida na naging blockbuster hit. Naging commercially steady ang career ni Kris. Nagkaroon pa siya ng acting nomination para sa pelikulang The Fatima Buen Story. Lumabas siya sa mga pelikulang based sa mga true-to-life murder na naging dahilan para tawagin siyang “Massacre Queen”.

Hindi nagtagal inilipat ni Kris ang focus niya sa telebisyon, bilang host ng showbiz-oriented show na Startalk sa GMA 7 kung saan nakasama niya si Boy Abunda at Lolit Solis. Dito napansin ang kanyang hosting skills.

Inalok siya ng kontrata ng ABS-CBN at ini-launch sa show na Today with Kris Aquino. Mula 2002 hanggang 2004, nag-host siya kasama ni Korina Sanchez sa Morning Girls with Kris and Korina. Noong 2007, iniwan niya ang The Buzz at Pilipinas, Game KNB? matapos manganak sa pangalawang anak na si Bimby.

Noong 2008 issue ng YES! Magazine, si Aquino ay tinaguriang leading celebrity endorser.

Nag-host si Kris ng Philippine franchise ng Deal or No Deal. Muli silang nagsama ni Boy Abunda sa pagho-host ng Boy & Kris. Muli rin siyang nag-host ng isa pang TV franchise, ang Wheel of Fortune na pumalit sa Kapamilya, Deal or No Deal. Noong October 26, 2008, muli siyang bumalik sa pagho-host ng The Buzz. Pero opisyal din niyang iniwan ang show noong June 27, 2010 para makasama ang kanyang pamilya at para maiwasan ang anumang issue habang nakaupo sa puwesto ang kapatid na si former Pres. Noynoy Aquino. Pero noong 2011, bumalik siya sa pagho-host at binigyan ng bagong morning show ng ABS-CBN, ang Kris TV.

Noong March 8, 2016 inanunsyo ni Kris na iiwan na niya ang ABS-CBN dahil sa health issues at pagnanais na makasama ang kanyang pamilya.

Hindi nakakalimot si Kris na mag-share ng kanyang blessings. Nakipag-collaborate siya sa Jul B. Dizon Jewellery para makapag-produce ng 20-piece collection. Ang proceeds nito ay napunta sa Philippine National Red Cross. Ang Philip Stein, isa sa maraming endorsements ni Kris ay nag-donate rin sa PNRC noong 2008.

Tinupad din ni Kris ang kanyang pangako sa Gawad Kalinga at tinulungan ito sa pagpapagawa ng sampung bahay para sa mga kapus-palad na pamilya sa Iloilo.

Supporter din si Kris ng World Vision. Mayroong 319 na kabataan siyang sinusuportahan sa pamamagitan ng community-based Area Development Programs (ADP’s) na nage-ensure ng edukasyon, good health, values formation, protection at active participation sa improvement ng kanilang communities.

 

 

SOURCES (ARTICLE):

https://en.wikipedia.org/wiki/Kris_Aquino

https://www.spot.ph/entertainment/entertainment-peopleparties/46009/10-most-

http://asianjournal.com/lifestyle/the-one-of-a-kind-kris-aquino/

 

SOURCE (IMAGE):

http://asianjournal.com/lifestyle/the-one-of-a-kind-kris-aquino/

https://en.wikipedia.org/wiki/Kris_Aquino

 

SHARE
Previous articleMisis na nagkamalidahil nagpadala sa tukso
Next articleLa Luna Sangre REVIEW: Boring ang karakter ni Malia
MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here