Kpop Boy Group Na BTS, mas sisikat pa sa 2018

0
206

Pagkatapos maimbitahan sa mga sikat na palabas sa America tulad ng “The Ellen Show”, “Late Night Show With Jimmy Kimmel” at sa prestihiyosong awards show na “American Music Awards”, ano na ang susunod na gagawin ng BTS?

Kahit na Korean ang lyrics ng mga kanta ng BTS ay alam na alam pa rin ito ng kanilang fans  o ng Army. Alam na alam din nito ang mga fan chant at activities ng BTS. Sa katunayan, sa tulong ng Armies, gumawa ng history bilang kauna-unahang Kpop group na nagperform sa isang American na awards show. Nakapasok na din sila sa Billboard top 100 at 200.

Hindi lang ito ang mga natamo ng BTS ngayon taon, nakabenta na rin sila ng ilang milyon albums. Ang kanilang album na “Wings” at “Love, Yourself: Her” at nakabenta na rin ng milyon nitong taon lamang. Hindi lang dahil nanalo sila ng artists if the year award sa MAMA o MNET Asian Music Awards at sa Melon Music Awards. Marami pang awards ang napalanunan ng BTS. Gumawa na rin sila ng record sa Guinness na may “most Twitter engagements for a music group” at sa Forbes bilang “most retweeted artist on Twitter” noong isang taon. Nanalo na rin sila sa Billboard Music Award ng “Top Social Artist”. Sobrang laki talaga ng impluwensya ng BTS sa social media.

Hindi lang sa Twitter sila nangunguna dahil sila rin ang may pinakamataas at pinakamabilis na views sa Youtube sa lahat ng mga Kpop groups. Sa sobrang dami ng kanilang natamo ngayon taon ay sobrang pasasalamat ng BTS sa kanilang mga fans. Palagi nilang naiisip ang mga ito at palagi nilang binibigyan ng mga update sa kanilang buhay.

Kakaunti na lang siguro ang hindi nakakakilala sa BTS. Ngunit, siguradong  kilala mo ang  boy group na BTS o Bangtan Sonyeondan (o Bangtan Boys at Beyond The Scene) kung ikaw ay Kpop fan.  Lalo mo pa silang maririnig at mababasa sa mga susunod na buwan  dahil nagsisimula pa lamang ang kanilang invasion.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here