Korean Telenovela VS Pinoy Teledrama, alin ang mas kaabang abang?

Ang kwentong pag ibig ay talagang mabentang mabenta sa madlang pipol. Masarap naman kasi talagang umibig para kang laging idinuduyan sa alapaap. ‘Yun nga lang, di lahat ng nangyayari sa mga pinapanood natin ay nagkakatotoo. May tendensiya na ang lalaking  iibigin mo ay kabaligtaran ng pangarap mo.

Hindi lahat ng lalaki sa mundong ito ay maku kunsiderang leading man at marahil nga, alam na naman natin iyon kaya nga itinututok na lang natin ang ating atensyon sa panonood ng teledrama. Doon lang kasi natin nagagawang mapatunayan na may katotohanan sina Prince Charming at Knigth in shining armour.

Pero, ano nga ba ang mas magandang panoorin, Korean telenovela o Pinoy teledrama?

Kung support ang usapan, mas maigi siyempreng ang Pinoy teleserye ang dapat nating panoorin. Kung gustong gusto mo ang bida ng teledrama mo siguradong ito ay aabangan mo ng husto. Iyon nga lang, kahit gaano mo kagusto ang mga artista pero di naman sila marunong umarte, baduy ang mga diyalog nila at paikotikot lang ang kanilang istorya, tiyak na di sila panonoorin.

Samantala sa Korean Telnovela, kahit di mo naman kilala ang kanilang artista, pinipili mo pa rin silang subaybayan dahil ang istorya nila ay talaga namang kaabang abang, maging ang mga bitaw nila sa bawat salita ay talaga namang kahanga hanga. Kaya sa uli, mas nakikilala ng Pinoy ang kanilang mga artista.

Ikaw, anong type mong panoorin, Korean Telenovela o Pinoy Teledrama?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here