Korapsiyon sa Aduana, nananatili

Korapsiyon sa Aduana, nananatili

Danilo C. Ambrocio

DANILO C. AMBROCIO, kilala rin bilang Ka Ambo, may tatlong dekada sa larangan ng pamamahayag at may 10 taon sa serbisyo-publiko bilang public official.Aktibongpublisher, editor, columnist at writersa limang pangunahing pahayagan kung saan aabot sa mahigit isang milyon ang sumusubaybay araw-araw sa kanyang mga artikulo sa magkakaibang topic at larangan.Nagsimula sa pagiging reporter bago naging chief proofreader, sports editor, editor-in-chief at publisher.Nagtapos ngHuman Development and Community Management Scholarship grant sa ilalim ng UP-DAP-MHS at graduate sa kursong Bachelor in Public Administration sa Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM) na bilang topnotcher sa graduating class.
Danilo C. Ambrocio

BABALASAHIN daw ni Customs Commissioner Isidro Lapena ang Aduana.

Sinabi niya na patuloy pa rin ang korapsiyon.

Naku po, matagal na ‘yan.

Wala namang nagsasabi na naresolba yan.

Nagbabago lang ng opisyales, pero ‘yun at ‘yun pa rin ang kalakaran.

Hindi iyan mareresolba—kasi’y ang lahat ng nauupong opisyal dito ay imposibleng hindi mauulingan.

Kailangan ay seryosohin mabuti ni Lapena ang balasa at hindi dapat nakunwa-kunwari lamang.

Isang malaking paghamon kay Lapena na mapalaki ang koleksiyon at makasuhan ang mga ismagler.

Pero mula nang maupo siya, wala namang dambuhalang ismagler na naaaresto o nakakasuhan gayong nagkalat ang smuggled goods sa Divisoria, Binondo at Baclaran.

Paano ito nakakalusot?

Napakarami pa rin ang Ukay-ukay at mga “used materials” na ibinebenta mula sa iba’t ibang bansa.

Hanggang ngayon ay tambakan ng basura ang Pilipinas.

Halimbawa, ang mga ibinebentang produkto na galing sa ibang bansa, bakit hindi hinahanapan ng mga dokumento kung ang mga ito ay nagdaan sa maayos na proseso?

Ang pag-hunting ng mga smuggled goods ay hindi lamang sa bisinidad ng Aduana bagkus ay maaaring salakayin ang mga bodega at hingin ang mga resibo at dokumento.

Paramihin pa ang mga tauhan ng Customs pero dapat ay may nagbabantay din sa kanila dahil maaaring mangikil lamang o humingi ng padulas sa mga ismagler na mabibisto sa serye ng mga pagsalakay sa mga bodega.

Walang ganyang aksiyon at desisyon si Lapena, bakit?

SHARE
Previous articlePAHULA 21: Ang mga suwerte sa kanilang buhay
Next articleThe Good Son Review: Patay na nga ba si Anthony Buenavidez?
DANILO C. AMBROCIO, kilala rin bilang Ka Ambo, may tatlong dekada sa larangan ng pamamahayag at may 10 taon sa serbisyo-publiko bilang public official.Aktibong publisher, editor, columnist at writer sa limang pangunahing pahayagan kung saan aabot sa mahigit isang milyon ang sumusubaybay araw-araw sa kanyang mga artikulo sa magkakaibang topic at larangan.Nagsimula sa pagiging reporter bago naging chief proofreader, sports editor, editor-in-chief at publisher. Nagtapos ng Human Development and Community Management Scholarship grant sa ilalim ng UP-DAP-MHS at graduate sa kursong Bachelor in Public Administration sa Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM) na bilang topnotcher sa graduating class.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here