Kontra ka ba o Aprub sa EJK?

0
1751

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

SA panahong ito, marami ang lumuluha kaya kung sila ay atng pagmamasdan, tiyak na madudurog ang ating mga puso. Nakabibingi naman kasi ang kanilang palahaw kaya’t kung malambot ang iyong puso, siguradong mapapaiyak ka na rin. Napakasakit naman kasi talagang mawalan ng mahal sa buhay. Sabihin man na lahat tayo ay kamatayan ang destinasyon, napakahirap pa ring tanggapin kapag nag goodbye na sa mundo ang mhal natin sa buhay. Ngunit, mas makakapanghina kung ang uri ng kanyang kamatayan ay karumal-dumal.

NItong mga nakalipas na mga buwan, lagi na lang may binabalitang may pinapatay. Ang mga ito  ay biktima ng Extra Judicial Killing  (EJK) o maaari rin itong tawaging extra judicial executions. Ibig sabihin,  ang mga taong lumalabag sa batas partikular na ang mga may kinalaman sa pagbebenta at paggamit ng droga ay hindi na binibigyan pa ng pagkakataon na humarap sa korte. Basta lumaban, puwede na silang patayin ng mga awtoridad.

Sa utos na ito ng ating Pangulong Rodrigo Duterte, naging madali sa mga pulis a gawin ang kanilang trabaho. Hindi na kasi magpapakahirap pang habulin ang isang suspek kapag tinakbuhan sila, maaari na kasi nila itong barilin. Kung manlalaban man sa kanila, maaari ng patayin.

Buti nga, mauubos na ang salot sa bayan! wika ng mga tao na labis na nasisiyahan makitang nasa kalsada, duguan at wala ng buhay ang mga ‘pasaway’. Hindi pa man kasi nananalo si Presidente sa eleksyon, sinabi na niyang sa kanyang pag-upo, magiging madugo ang kanyang termino. Nais daw niya kasing magkaroon ng kaayusan ang PIlipinas at mangyayari lang ito kung mawawala ang mga kriminal.

Sa statistic nga ay maraming namatay ngayon, nasa mahigit 7k na at ang mga ito ay ang mga adik, pusher, rapist at kung sinu-sino pang gumagawa ng masama. Samantalang noong mga nakaraang administrasyon, marami rin ang mga namamatay. Baka nga mas higit pa ngunit, iyon ay ang inosenteng tao. Na-holdup, na-kidnap, na-rape o napagtripan ng mga adik. Kaya, kung tutuusin, wala ring halos na pagkakaiba. Mayroon pa ring namatay at pinatay. May mga ina pa ring labis na nasaktan, may asawa at anak pa ring nangulila sa kanilang padre pamilya.

Hindi naman kasi porke kriminal ang isang tao, lubos na talaga ang kanilang kasamaan. Kung minsan naman kasi ay kumakapit lang sila sa patalim para sila ay may makain. Gayunman, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para sila ay gumawa ng masama. Saka, kahit naman gaano kabuti ang isang tao kung magkakamali silang tumikim ng droga, siguradong mag-iiba na ang kanilang ugali. Maging ang sarili nilang pamilya ay hindi na nila nagagawang kilalanin. Kaya may pagkakataon na ang krimen ay nangyayari sa loob ng kanilang bahay.

Tatay, tinaga. Biyenang babae, sinapak. Dalagita, ginawang sex slave ng sariling ama. At ang pinakamalala ‘yung balitang, sanggol hinalay ni Papa. Sa mga krimeng ito, ang sanhi ay droga. Kaya naman kahit na pinatay pa ng mga pulis ang kanilang anak, asawa, at ama, parang hindi lahat ay lubos na naaapektuhan. Kahit naman kasi mahal mo ang isang tao, titigil ka rin kung sobra-sobrang sakit na ang ibinigay nito sa kanyang pamilya.

Ikaw, anong gagawin mo kapag may kapamilya kang adik? Magagawa mo pa ba siyang pagkatiwalaan?

Iba’t-ibang reaksyon sa mga kriminal na nabiktima ng EJK?…

 “Mahal na mahal ko ang asawa ko kaya kahit na binubugbog niya ako at pinagtataksilan, mahal na mahal ko pa rin siya. Iniisip ko pa rin na sana ay magbago pa rin siya kaya lang sa bawat araw, palala siya nang palala. Maging ang mga anak namin ay nagagawa niyang satan. Kaya nalilito na ako ngayon sa nararamdaman ko, mahal ko pa rin si Damian kaya lang, hindi ko rin maiwasan ang mkaramdam ng kapanatagan ngayong wala na siya,” wika ng isang misis.

“Hayop siya, ama ko siya pero nagawa niya akong pagsamantalahan. Hindi lang minsan, paulit-ulit. Nagmamakaawa ako sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan. Sinira niya ang kinabukasan ko kaya mabuti ngang namatay na siya. Wala naman siyang kuwentang ama.” Matapang na sabi ng isang highschool student na si Estella.

Gayunman, hindi natin maiiwasan ang mapangiwi kapag ang mga tsismosa at tsismosa ay tuwang-tuwa kapag nakikita ng nakahandusay ang mga kriminal. Siyempre, ibig kasing sabihin nito ay mababawasan na ang mga taong masasama ay hindi pa rin masusugpo ang masasamang tao kundi mabubuwag ang mga Drug Lords. Kaya nga ang unang ginawa ni Pres. Duterte ay pinilayan ang mga Drug Lords. Tinanggal niya sa serbisyo ang mga General na napatunayang sumusuporta sa mga Drug Lords.

Kahit pa sabihin na marami ang natutuwa at namatay ang masasamang tao, para pa ring lalamutakin ang puso mo sa sobrang sakit kapag ang ina ang pumunta sa lugar na iyon para kilalanin ang napatay. Kung matitiyak niyang iyon ang kanilang anak, siguradong sila ay papalahaw ng iyak.

Kahit gaano pa kasama ang anak, hinding-hindi ito maitatatwa ng kanilang mga magulang. Kaya naman, kahit pa sabihing sila ay pinagnakawan, minura at pinagtangkaang patayin ng sarili nilang anak, never pa rin nilang gugustuhing mamatay ang kanilang anak. Siyempre, bilang magulang, nanaisin pa rin nilang magbago ang kanilang anak. Naniniwala naman kasi sila na hindi likas dito ang pagiging masama. Naniniwala sila na maaaring naimpluwensiyahan lang sila ng kanilang barkada.

Kung ang isang tao ay mahina, talagang maeengganyo silang subukan ang isang bagay kahit alam nilang mali. Ito nga ay ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Sa una ay tikim-tikim lang ngunit kapag lumaon ay siguradong mawiwili na sila. Kapag kasi nakatikim ka ng droga at nasarapan ka, siguradong itutuloy-tuloy mo na iyon ay mahihirapan ka ng huminto.

Sa paghithit kasi ng droga, maaapektuhan ng todo ang iyong utak. May tendensiya na kapag nangasim ka nang nangasim sa drugs ay bigla mo na lang maisipan ang magwala. Pagkatapos, hindi mo na magagawa pang kontrolin ang iyong sarili. Kaya pati ang kapamilya mo ay magagawa mong saktan. Malaki rin ang tendensiya na kapag nasa ilalim ka ng impluwensiya ng droga ay maisipan mo na lang na pumatay nang pumatay.

O, hahayaan mo ba talaga na maghari pa ang mga Drug Lords sa bansang ito? Siyempre, hindi iyon hahayaang mangyari ng ating presidente kaya naman nagkaroon ng Oplan Tokhang. Pero, siyempre, kahit naman ang mga kriminal ay dapat ding magbago. Kaya nga, binigyan pa rin sila ng pagkakataon. Kinailangan nilang sumuko kung ayaw nilang mag-goodbye sa mundong ito.

Ano nga ba ang solusyon sa Droga?

Huwag kang papatay! Ito ang Utos ni God kaya naman hindi kataka-taka kung marami ang kontra sa EJK. Pakiramdam nga nila, ang mga mahihirap lang ang maaaring maging biktima.

Ngunit, ganoon nga ba?

Ang mga mahihirap kasi ang mga nangangailangan ng pera kaya naman kahit alam niyang nanganganib ang kanyang buhay, sumisige pa rin sila. Para kasi sa kanila, kailangan nilang maging matapang palagi. Iyon nga lang, hindi naman sila mga isda kaya hindi sila makaatakas na parang palos.

At kung masusukol na tiyak na lalaban pa. Kaya ang ending, mapapatay sila. Ngayon, ano ba ang kailangang gawin para maiwasan na ang ma-Tokhang?

Kung isa kang adik. Kailangan mo na magbago. Maaari ngang ang mga users ay biktima lang din naman. Kaya lang kapag gumawa na kalokohan, tiyak na hindi sila patatawarin ng mga kapulisan natin.

Oh, ano ba talaga ang solusyon para matigil na ang EJK?

Siyempre, matitigil lamang ito kapag hindi na naging pasaway ang mga tao. Kapag hindi na iniisip ng mga users na ang paggamit ng droga ay tanging paraan para  matakasan ang kahirapan.

Tama!

Ang dahilan kaya nagkakaroon ng pusher ay dahil gusto nilang kumita ng malaki. Kaya, ang solusyon. Labanan ang kahirapan. Kailangan ay  magkaroon ng mga trabaho ang mga tambay para hindi sila makaisip na gumawa ng kasamaan. Dahil baka nga sa huli ay buhay mo lang ang ang maging kapalit. Kung ikaw naman ang tipo ng tao na mahina, aba, hindi ka lang dapat na dumepende sa drugs dahil may iba’t ibang paraan naman para ikaw ay makalimot. Maging busy ka.

Ngunit, paano nga ba mababago ang buhay ng mga adik at pusher?

Sabi nga, kung gusto ay maraming paraan. Kaya naman, kailangan siya ay libangin mo. Ipakita mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Baka naman kasi sa pamamagitan noon ay ma-realize niya na dapat siyang magbago para sa kanyang pamilya. Hangga’t hindi pa siya natitiyempuhan ng Oplan Tokhang.

Kaya nga lang, parang kayhirap na baguhin ang paniniwala ng mga tao. Kaya kung hindi pa naliligaw ang landas ang iyong anak. Ipakita mo na kung gaano mo siya kamahal at tiyak na hindi siya maliligaw ng landas. Karamihan kasi sa mga adik ay iyong mga attention seeker. Kaya, may palagay akong kung lagi mong ipapaalala sa kanila na mahal mo sila, di sila maliligaw ng landas.

Kung ikaw naman ay gusto mo na talaga magbago, Tulungan mo na lang ang iyong sarili.

Saka nga pala sa mga taong ibig na magkaroon ng pagbabago sa bansang ito, makakabubuti kung tutulong din kayo sa programa ng gobyerno. Alam mo na ngang adik siya, ipa-Rehab mo a. Kaya nga lang sa dami ng adik na sumuko nang magkaroon ng Oplan Tokhang, hindi na kasya sa Rehabilitation Center. Kaya, nana  huwag lang tayo kontra nang kontra. Kailangan din nating kumilos para maiwasan ang pagdanak ng dugo at higit sa lahat…MAKATULONG.

Written by Maria Angela Gonzales

Maria Angela Gonzales has lived in Tondo since birth but her family provided and gave her all the love she needed to secure a better future. She  dreams of becoming the next JK Rowling but for now fenjoys writing romance novels, horror stories and articles.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here