Kongreso ipinanukalang iusod sa Oktubre ang halalan ng barangay, SK

0
263
Kongreso pinakulang iusog sa Oktubre ang halalan ng barangay, SK

WEN DE LA ROSA

Sumisibol na manunulat

Latest posts by WEN DE LA ROSA (see all)

Nagbabalak ang Kongreso na ipagpaliban sa ikatlong pagkakataon ang nakatakdang halalan sa Mayo 14.
Nito lamang Lunes, Marso 12, ay inaprabuhan ng Kongreso ang panukalang ipagpaliban ng limang buwan ang halalan para sa mga opisyal ng barangay. Mula sa nakatakdang halalan sa Mayo 14, ay nais ng mga miyembro ng Kongreso na ganapin na lamang ang halalan sa Oktubre 8.
Sa kanilang halos isa’t kalahating oras na pagdinig, bumoto ang komite ng suffrage at reporma sa eleksyon ng 14-2 upang maaprubahan ang pagpapaliban ng halalan. Sa kanilang hiwalay na pagboto, 17-0 ang sumang-ayon na itakda ang halalan sa Oktubre 8.
Kung sakaling maipasa ang panukala, ito ang magiging pangatlong beses na maipapagpaliban ang halalan sa higit 42,041 na unit ng barangay at Sangguniang Kabataan sa bansa.
Orihinal na naka-iskedyul para sa Oktubre 31, 2016 ang halalan, ngunit ito ay inilipat sa Oktubre 23, 2017 at pagkatapos ay Mayo 14, 2018. Dahil dito ay na-extend ang dapat ay tatlong-taong termino ng mga opisyal ng barangay na nahalal noong 2013.
Kongreso pinakulang iusog sa Oktubre ang halalan ng barangay, SKAyon sa direktor ng Commission on Elections (COMELEC) na si Teopisto Elnas Jr., ang pagpapaliban ng halalan sa mga baranggay hanggang Oktubre 8 ay magkakaroon ng matinding epekto sa nakatakdang lokal at pambansang eleksyon sa Mayo 2019.
Sa parte naman nila Surigao del Sur 2nd District Representative Johny Pimentel at ANAC-IP Rep. Jose Panganiban Jr., kung ang halalan ay gaganapin sa Oktubre 8, ito ay magandang pagkakataon para na rin sa pagpapalit ng porma ng gobyerno ng bansa sa pederalismo.
Dagdag pa ni Edmund Abesamis, ang pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, ang kasalukuyang mga opisyal ng barangay ay tumulong sa panunulak ng administrasyong Duterte na baguhin ang Konstitusyon at lumipat sa isang pederal na anyo ng gobyerno.
Ikinabahala naman ito ng ilang mambabatas katulad ni Caloocan 2nd District Representative Edgar Erice na nagsabing gusto lamang ng ibang miyembro ng Kongreso na ganapin ang plebisito sa Oktubre dahil na rin isa sa mga nakatalang constitutional amedments ay ang pagkansela sa pambansang halalan sa Mayo 2019 na nangangahulugang pagpapalawak ng termino ng mga kasalukuyang congressmen.
“Bakit gusto natin ang isang plebisito? Ito ba ay dahil sa pagbabago ng Konstitusyon ay ma-a-aprubahan ang pag-extend sa mga termino!” galit na sabi ni Erice, habang ang ilang mga miyembro ng supermajority ay tumawa.
Gayunpaman, ang Kongreso ay nakatakdang magkaroon ng recess sa susunod na lingo at magpapatuloy ang kanilang session sa ikaliwang linggo ng Mayo.
Ayon sa chairman ng komite na si Rep. Sherwin Tugna, isusumite nila ang panukala para sa plenaryong pagdinig pagkatapos nitong maipasa sa komite lebel.
Dagdag pa nito, ang Senado ay wala pang counterpart bill para sa panukala.
Ayon kay Tugna, kung ang Senado ay walang maipasa na sarili nitong bersyon ng bill, magpapatuloy pa rin ang halalan sa Mayo 14.
“Magagawa ito ng Senado kung talagang gagawin nila ito, dahil mayroon pa ring limang session na natitira. Depende ito sa kanila,” sabi ni Tugna sa mga reporters sa sidelines ng pagdinig.
“Ang dalawang katawan ay kailangang gawin ito.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here