Komentaryo May 30: Problemang mag-asawa

Sa Komentaryo May 30 ay nais ko lang pong magbigay ng Komento sa katanungan ni Marissa Riazo na, ano po ang dapat gawin sa babaeng pumapatol sa mayroon ng asawa?

Ang asawa mo ba ang pinatulan ng babaeng tinutukoy mo? Hindi mo naman kasing direktang sinabi kung ikaw ba ay talagang may kinalaman sa tanong mo pero marahil, ‘oo’ ang sagot. Hindi mo naman itatanong ‘yan kung hindi mo nararanasan.

Kung sakaling ang mister mo ay pumatol sa ibang babae, bakit hindi muna siya ang komprontahin mo? Sabi nga, kung talagang mahal ka ng asawa mo, hindi naman siya papatol sa ibang babae kahit pa sabihing maganda at seksi ito. Ang gusto ko ngayong itanong sa’yo, may problema ba kayong mag-asawa kaya naghahanap siya ng iba?

Sa palagay ko, ‘oo’ ang sagot. Kaya, bago ka manisi agad ng iba, makabubuti kung tanungin mo muna ang iyong sarili kung ano ba ang problema ninyong mag-asawa.

Palagi ba kayong nag-away? Kapag madalas kayong magtalo o lagi mo siyang kinokontra, talagang mawawalan siya ng gana sa’yo at maghahanap siya ng iba na mag-a-appreciate sa kanya. Huwag mong isipin na kaya ko sinasabi ang mga salitang ito dahil kinakampihan ko pa ang babae na ‘yon. Gusto ko lang ma-realize mo na baka may mali ka rin.

May mga bagay ba kayong hindi pinagkakasunduan? Sa pagsasama, importante ang compatibility. Kung sakaling magkaiba ang interes ninyo sa maraming bagay, pupuwede namang nagbibigayan kayo. Iyon bang ipapadama mo rin sa kanya na nagkakainteres ka sa kanyang mga gusto. Kapag nagawa mo iyon, siguradong masisiyahan siya at hindi na niya kakailanganin pa ng ibang babae. Kaya lang, kung ayaw mo naman siyang pagbigyan sa mga gusto niya, siguradong maghahanap siya ng iba.

May oras ba kayo para sa isa’t isa? Hindi naman porke mahirap ang buhay ngayon, pagtatrabaho na lamang ang pagtutunan mo ng pansin. Asawa ka kaya dapat lamang na asikasuhin mo rin ang iyong mister. Maging malambing ka rin sa kanya at huwag mo siyang pababayaan. Baka kasi sa sobrang pagtatrabaho mo, wala kang hindi mo na siya nagagawa pang alagaan.

Alam mo, Misis, ang mga lalaki na ‘yan, kahit gaano pa katanda, nangangailangan palagi ng suporta mula sa babaeng nagmamahal sa kanila. Kapag nakamit nila ang hinahangad nilang sarap sa pag-alaga, don na nila ibabaling ang kanyang atensyon.

Kaya, huwag ka muna, mag-isip ng masama sa babaeng pumatol sa’yong asawa. Makabubuting ayusin mo muna ang relasyon ninyong mag-asawa. Kapag nagkaayos kayo, siya na ang kusang hihiwalay sa babaeng iyon. Kung hindi pa rin niya gawin mag-isip ka na rin kung magpapakamartir ka ba o o ipaglalaban mo pa rin siya.

Ngayon kung ang babae na ‘yan ay patuloy pa rin na naghahabol sa’yong asawa sa kabila ng pag-iwas ng iyong mister, aba, ipaglaban mo na ang karapatan mo. Maaari mo siyang idemanda o kaya naman ay pagsabihan mo lang pero ipakita mo sa kanya na hindi mo siya urungan sa kahit na anong laban.

Ngayon kung ang siste naman ay hindi na talaga sila mapaghiwalay, bakit ka pa magpapakamartir? Okay, mahal mo ang mister mo pero ang sumpan ninyo ay magtatapos kung ang isa ay nagawa ng magtaksil.

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here