Komentaryo June 7: Sampung libo isang buwan, hanggang saan?

Ang mga netizens ngayon ay nanggagalaiti dahil sa sinabi ni USEC. Rosemarie Edillon na kung ang pamilya ay may suweldo na P10,000 a month ay hindi sila matatawag na mahirap.  

Sa panahon nga ngayon, mistulang barya na lamang ang sampung libong piso, lalo na’t kung ang mag-asawa ay mayroong limang anak tapos ang mamahal pa ng bilihin. May pagkakataon nga na kapag nabaryahan na ang isang libo, hindi mo mamamalayan na magagastos mo na rin lahat. Tapos, marami pang bayarin na parating.

 

Naku, talaga ngang may katwiran ang mga netizens na mag-iinit ang ulo kapag nakatanggap ng ganitong hirit. Para kasing sinasabi na okay lang na magtaas nang magtaas ang bilihin basta may kumikita sa pamilya ng sampung libo.

 

Kahit sinong ordinaryong empleyado ay hindi nga magugustuhan ang mga salitang ito pero sa kabilang banda, baka hindi lang naipaliwanag ng husto ni USEC Rosemarie Edillon ang gusto niyang sabihin. Maaring ang gusto lang niyang sabihin, maraming tao talaga ang naghihirap ngayon pero ang may kita ng P10k a month ay higit pang mapalad kaysa sa mga taong wala talagang pinagkakakitaan o ‘yung tinatawag na isang kahig, isang tuka. 

May mga pagkakataon kasi talaga na sinasabi na lamang natin ang gusto nating sabihin pero hindi na nagawa pang pag-isipan kung mayroon tayong masasaktan. Hindi ko naman ginawa ang artikulo na ito para siya ay ipagtanggol. Ngunit, dalawa ang rason ko kung bakit binuo ko ang artikulo na ito.  

Una, gusto kong sabihin na mahirap talaga ang buhay. Kung isa lamang ang nagtatrabaho sa pamilya tapos marami pang anak, kahit sabihing mong sumasahod ka pa ng sampung libong piso sa isang buwan, kung marami ka namang bayarin at matataas ang bilihin, kakapusin ka pa rin talaga. Ngunit, kung dalawa naman ang sumasahod niyan sa isang pamilya, hindi na masama iyon. Gayunman, kailangan pa ring magtipid. At kung talagang kapos pa rin talaga, dapat lang na ang mag-asawa o magkakapamilya na ang gumawa ng paraan kung ayaw talaga nilang kapusin at ibig nilang magkaroon ng kumportableng buhay, kailangan nilang  maghanap ng extra na pagkakakitaan.  

Pangalawa, mag-isip muna bago magbulalas ng salita. Sa panahon ngayon, masyadong sensitive ang mga Pinoy lalo na kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa sahod. Kaya sana ang mga nakatataas ay hindi dapat magbibitaw ng salita na maaaring magtulak sa mga Pilipino na magalit.  

O, sino diyan ang highblod pa?

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here