Komentaryo July 16: May forever nga ba?

Asa ka pa! Hindi naman ako galit ngunit ibig kong maidikdik sa lahat na ang katagang ‘forever’ ay isang salita lamang na magbibigay sa’yo ng kilig pero walang katotohanan. Paano ko ito nasabi? Sige, mabubuhay ka ba ng habambuhay? Siyempre hindi, dahil kapag tumigil na ang hininga mo, magpapaalam ka na rin sa mundong ito.

Kaya kung sasabihin sa’yo ng isang tao na mamahalin ka niya habambuhay, huwag kang maniwala. Iyon nga lang, nakakakilig naman talaga kapag sinabi ng mahal mo na I will love you forever. Dahil kung totoo ‘yan, bakit may mga naghihiwalay?

May mga nagsasabi na mamahalin kita forever pero kapag sila ay nagsama na sa iisang bubong nagbabago ang paniniwala nilang iyon. Kasi nga, kapag ang iyong partner ay nakakita ng pagkakamali sa’yo ay agad na siyang magbabago. Karaniwan kasi, ang minamahal lang naman ng iyong partner ay ang panlabas mong anyo. Inakala lang niya na makakaya ka niyang mahalin habambuhay dahil iyon ang gusto niyang paniwalaan. Kaya, ang foever na karaniwan nilang ipinagmamalaki ay maaaring magtapos lang sa isang kapintasan.

Maari ngang mayroon namang umaabot ng ilang dekada ang kanilang pagsasama ngunit, hindi pa rin sila magmamahal ng forever. May pagkakataon kasi na matagal ng nawala ang pag-iibigan nila pero nagsasama pa rin sila dahil nakasanayan na nila o maaring ayaw lang nilang masira ang kanilang pamilya. Inaalala lang kasi nila ang kinabukasan ng kanilang mga anak na maaaring maging miserable kapag naging broken family sila.

At kahit pa nagmamahalan ang mag-asawa kahit na tumanda pa sila, hindi pa rin masasabing forever ang kanilang pagmamahalan dahil kapag huminto na ang pintig ng puso ng isang tao, tapos na rin ang kanyang kanyang ‘forever’. At ang partner niya na sumumpang mamahalin siya habambuhay ay maaari ng magmahal ng iba. Kung ganoon nga, wala talagang katotohanan ang salitang forever.

Kaya, kung ayaw mong masaktan, makabubuti pang huwag kang maniwala kapag may nagsabi sa’yo ng forever kitang mamahalin. Ang mabuti mo pang gawin, mahalin mo habambuhay ang iyong sarili. Dahil wala namang magmamahal sa’yo ng tulad ng pagmamahal mo sa’yong sarili. Kaya, makabubuting tuparin mo ang iyong pangarap. Mas maigi iyon kaysa naman umasa ka na may katotohanan talaga ang forever dahil wala, wala, wala, lalo’t manggagaling ito sa ibang tao.

Ikaw, anong masasabi mo sa Komento July 16.

More I AM FILIPINO

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here