Kilalanin ang batang si Carlo…

0
211

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

“Ako nga pala si Carlo, 7, panganay sa tatlong magkakapatid pero wala ng mga kapatid na inaalagaan. Hindi sila namatay, kinuha lang sila ng nanay ko na sumama sa ibang lalaki. Isinasama niya ako pero sabi ko ‘no way’. Kaya, kaming dalawa na lang ng tatay ko ang magkasama ngayon.”tuloy-tuloy na kuwento ng batang tumambay sa harap ng tindahan ng aking kakambal. Ngunit, kahit na masakit ang kanyang pinagdaanan ay abot-tenga pa rin ang kanyang ngiti. Parang wala siyang pakialam kung anong klaseng pamumuhay mayroon siya. Ang mahalaga sa kanya ay masaya siya.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mangiti. May ilang pagkakataon kasi na nagbubulalas siya ng Ingles tapos tatanungin niya ako kung naiintindihan ko daw iyon. Natawa na lang ako sa halip sabihing, nakakaintindi naman ako ng ‘no’ at ‘no way’. Pero, dahil sa nais kong makuha ang kanyang loob ang sinasabi ko na lang sa kanya ay, ‘turuan mo nga ako ng alam mong Ingles’. At iyon nga ang ginawa niya kaya naman tuwang-tuwa ako sa kanya dahil talaga namang napakabibo niya.

Pero, habang nakikilala ko siya sa pamamagitan ng pagtatanong ko,  parang ako ang higit na naaapektuhan. Nakakaramdam ako ng matinding awa sa kanya. Sa edad niyang pitong taon, dapat ay nasa eskuwelahan na siya at nag-aaral. Ngunit, dahil sa matinding kahirapan, kahit sa public school ay hindi siya makapasok. Isang basurero ang kanyang tatay at nakatira lang sila sa kariton.

Gayunman, hindi niya naisip na iwanan ang kanyang ama, hindi man nito sabihin, nakikita ko sa kanya na mahal na mahal niya ang kanyang ama. Kaya, kahit na hindi siya nito mabigyan ng magandang buhay, hindi pa rin niya ito naiisip na iwanan, kahit pa sabihin na hindi naman siya nito mabibigyan ng magandang buhay.

Naisip ko kasi itong biruin, ‘kung ikaw ba’y aampunin, gusto mo?’ Ang sagot nito, ‘ayoko po.  Hindi ko iiwanan ang tatay ko.’

Oh, parang nilamutak ang puso ko sa sinabi niyang iyon. ‘Yun kasi ang nakapagpapatunay na isa nga itong mabuting anak. Kaya, kahit nga sa kuwento nito ay mayaman ang lalaking sinamahan ng ina nito, hindi pa rin ito sumama. Kawawa naman daw kasi ang tatay nito kung iiwanan pa niya.

Nang makita ko ang ama ni Carlo, mas nadurog ang aking puso. Kahit kasi may kapansanan ito, putol ang kanan nitong kamay ay pilit pa rin itong nagtatrabaho. isa kasi itong basurero. Kailangan nitong kumayod nang kumayod para maipagpatuloy ang kanyang buhay.

Tulad ni Carlo, Mahal na mahal din ni Manong ang kanyang anak. Kaya nga raw kahit na mahirap, hindi ito tumitigil sa pagtatrabaho para lang mabuhay silang mag-ama. Kaya, kahit na barya-barya lamang ang kinikita nito, natutuwa na ito dahil sapat na iyon para makakain ang mga ito.

Buhay ng Pinoy, kaawa-awa talaga…

Money is the root of evil. Kaya, naniniwala ako na kahirapan ang ugat ng kasamaan dito sa mundo. Marahil, may mga Pilipino na kokontra sa akin dahil mas naniniwala silang krimen ang pangunahing problema ng Pilipinas pero sa palagay ko, kawalan ng pera ang dahilan kaya mayroong nagnanakaw at nagdudroga.

Kung sila kasi ay may sapat na salapi sa kanilang bulsa para gumastos sa araw-araw nilang buhay, hindi nila maiisip na gumawa ng kasamaan. Never silang magnanakaw at manghu-holdap. Kaya nga rin sila bumibili ng droga ay para malimutan nila ang araw-araw nilang problema. ‘Yun ay ang kakulangan sa salapi. Kapag nga daw kasi naka-droga ka, pati ang gutom mo ay iyong nakakalimutan. Kaya nga lang, dahil sa nakakalimot ang mga nagdudroga, nawawala na rin sa utak nila ang tama at mali kaya kapag bangag sila sa ipinagbabawal na gamot, nakakagawa sila ng krimen.

Hindi sila nakakakain ng mabuti dahil kakarampot lang ang pera na nadudukot nila sa kanilang bulsa. Hindi sila nakapag-aaral dahil kahit na sa public school ay marami pa ring dapat na bayaran. Kaya, sabi ng mga ilang bata, kaysa mainggit sila at tudyuhin ng kanilang mga kaklase, mabuti pang huwag na silang mag-aral. Mas maigi pang magtrabaho na lang sila para makatulong na kumita.

Kahanga-hanga sana ang mga batang ganito, kaya lang, mas maigi pa rin iyong ini-enjoy din nila ang kanilang kabataan. Ngunit, paano nila magagawa iyon? Sana may mga taong magnanais tumulong sa mga tulad ni Carlo para hindi na maligaw ng landas. At ang layunin ng Philippineone ay makatulong sa mga nangangailangan.

The number one priority for PhilippineOne is to build homes for street children thus allowing these children to lead normal lives and become important members of the Philippine society.  Be involved and join our efforts.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here