Kilala Mo Na Ba Ang Iyong Soulmate?

Kung inaakala mo na ang iyong pinakasalan ang iyong soulmate, nagkakamali ka. Mayroon pa ring tendensiya na hindi siya ang iyong soulmate. Kailangan mo rin malaman na ang soulmate ay hindi lamang tumutukoy sa lalaki at babae. Maaaring ang iyong soulmate ay nasa ibang anyo.

Ang ibig kasing sabihin ng soulmate kung ating susuriin ay tumutukoy nakakasundo mong tao. Kaya, masasabi natin na click na click talaga kayo. Iyon nga lang minsan, inaakala natin na kapag nakakasundo natin ka-opposite sex natin ay nagmamahal na rin tayo. At iyon ang malaking pagkakamali ng lahat na may ganitong paniniwala.

Kung minsan kasi, kahit na mayroon na siyang asawa kapag nakakita siya ng taong makakasundo niya ay pinipili niyang iwanan ang kanyang pinakasalan. Naniniwala kasi siya na mas magiging masaya siya kung ang makakasama niya ay ang taong makakasundo niya. Gayunpaman, hindi pa rin siya talaga makatitiyak na magiging maligaya siya. Iba naman kasi talaga kapag talagang umiibig ka.

Ikaw ba, nakilala mo na ang iyong soulmate? May ideya akong ibibigay sa’yo kung paano mo siya makikilala kung sakaling siya na ang soulmate mo at siya rin ang pinipili ng puso mo na mahalin.

  1. Gustong-gusto mo ang kanyang amoy – Sa pang-amoy mo kasi ay pang ang bangu-bango niya. Matamis. Kaya naman parang ayaw mo ng malayo pa sa kanya. Parang kahit na kakakilala pa lang ninyo ay ibig mo na siyang makatabi kahit sa pagtulog.
  2. Para kang nakukuryente – Magdaiti pa lang ang mga balat ninyo ay para ka ng nakukuryente.
  3. Marami kayong pinagkakasunduan– Ang compability ay talagang importante sa relasyon kaya naman kung talagang swak kayo ay hindi na ninyo anaisin ang maghiwalay.

O, soulmate mo ba ang iyong partner?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here