KC CONCEPCION, MEGA DAUGHTER TALAGA ANG PEG

2173

Si Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion ay mas kilala sa pangalang  KC Concepcion, siya’y isa sa mga kahanga-hangang Pilipina na dapat ay tinutularan ng ngayon at ng mga susunod pang henerasyon. Bata pa lamang ay kilala na si KC Concepcion dahil na rin sa kanyang mga magulang ay sina Gabby Concepcion at Megastar Sharon Cuneta.

Nagmula sa  Buena familia si KC kaya hindi  nakapagtataka na magtapos siya sa Manila International School at sa American University of Paris sa kursong Corporate Communications with a minor in Theatre Arts. Ngunit, nakamamangha ay ang tila pagiging mababang-loob pa rin ng dalaga sa kabila ng kanyang kasikatan, yaman at popularidad.

Nu’ng taong 2007, nabigyan siya ng pagkakataon na ihayag sa mga Pilipino ang kanyang naging buhay ng mag-aral siya sa Paris sa pamamagitan ng programa ng ABS-CBN na “KC: From Paris To Pinas”. Nakatutuwang mapanood si KC na parang ordinaryong estudyante na tulad ng iba habang nagbibisekleta sa pag-iikot niya sa mga lugar sa Paris, pagsakay ng subway train at maging sa kanyang paglalakad-lakad patungo sa kanyang patutunguhan.

Mayroon pa siyang isang kaklase na nakapagbigay ng interview at sinabing si KC ay mabait, matulungin at mapagkumbaba kaya sa tuwing may nakakasalubong silang mga Pilipino sa Paris at humihingi ng autograph o magpapa-picture kasama si KC ay nagtataka sila at tinatanong pa kung sino ba talaga si KC. Hindi  tuloy maiwasang isipin na higit sa kaalamang kaya nila ay maaring iyon ang dahilan na kagustuhan ng dalaga na sa ibang bansa mag-aral. Malayo sa mapanghusgang madla, sa mapanuring mata ng media at publiko. Higit sa lahat, magagawa niyang magpakatotoo na hindi kailangang isipin na maaaring sa susunod na araw ay nasa headlines na ang kanyangpangalan at larawan. Matapos niyang makapagtapos at magbalik sa Pilipinas ay naging sunod-sunod ang mga offer sa kanya kaya kabi-kabila rin ang naging guest appearances niya sa mga programa sa telebisyon.

Naging isa siyang magaling na aktres at maging ang mundo ng music recording ay kanyang pinasok ngunit tila mas tumatak siya sa kanyang mga role bilang kontrabida sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala maging ang kanyang pagiging lead role sa drama series na Ikaw Lamang kasama sina Coco Martin at Kim Chiu.

Sa ngayon ay hindi gaanong mapapanood ang dalaga sa telebisyon dahil tila mas aktibo ito sa kanyang tungkulin bilang National Ambassador for United Nations’ World Food Program o WFP. Ayon sa spot.ph, si KC pa lamang ang pangatlo ng napili mula sa Southeast Asia matapos ang tatlong buwang screening process noong 2008. Matatandaan ding nagbukas siya ng kanyang online auction site na tinatawag niyang KC’s Closet Fights Child Hunger upang makatulong sa WFP’s Emergency Food for Education Initiative. Patunay na hindi binabalewala ni KC ang tungkuling iniatang sa kanya.

Sabi nga ng director ng WFP na si Stephen Anderson: “KC is very passionate and tirelessly works to promote awareness about the issue of hunger and also the programs of the WFP in the Philippines. She has also raised a significant amount of resources for WFP’s program in the country, even generously sharing her own belongings and resources.. Whenever possible, she likes to go to the field ( in the conflict-affected areas in Mindanao and typhoon affected places in Luzon) to visit WFP program and talk to the beneficiaries.”(spot.ph)

Tunay ngang kahanga-hanga hindi lamang ang pagkakaroon ng magandang mukha, pagiging magaling na aktres ni KC Concepcion ngunit higit sa lahat ay ang kabutihan ng kanyang kalooban na ang tanging hinahgad ay mabawasan ang mga nagugutom na mga bata sa bansa.