KAUGNAYAN NI SADDAM HUSSEIN SA NIBIRU AT ANG IRAQI ROSWELL EVENT

0
117
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

Atin tatalakayin ngayon ang misteryo sa sinasabi umanong kaugnayan ni dating Iraqi lider Saddam Hussien sa Planet X o Nibiru. Sinasabing bago siya namatay, may mga sitsit na mayroon siyang mystical at superhuman-powers. Sinasabing reincarnation siya ng isang dakilang hari noong unang panahon. Na siya’y nagbio-engineered giant scorpions, may ugnayang sa mga alien UFO technology at pinangangalagaan ang mga extra terrestrials.

Naniniwala si William Henry na may koneksiyon sa pagitan nina Saddam at ng Planet X. Ang phantom planet na ito o Nibiru ay sinasabi nga ni Zecharia Sitchin sa kanyang mga aklat na tahanan ng mga Elohim, mga diyos ng sinaunang panahon.

Kinokontrol ni Saddam ang isang asset na mas mahalaga pa kaysa langis o ng nuclear weapon. Gayun din ang pagkontrol sa mga templo na tahanan ng lingid na kasaysayan gaya ng human origins, at mga sikreto ng stargates. Ito ay nabaon sa kalaliman ng buhanginan ng Iraq na siyang napapalooban ng sikreto ng Shining Ones of Planet X. Ang mga kilos niya’y naghahayag na alam niya ang political value ng gayung lihim.” pahayag ni Henry.

“Ang digmaan sa Iraq ay hindi umano sa kalyaan nito, pagbuwag ng weapon of mass destruction o kaya ng langis.” Ani ng mga UFO researchers. Ang totoo, si Saddam ay mayroong alien technology mula sa nasirang UFO at ayaw ng US na manatili iyon sa kanya.

Ang akusasyong ito sa kanya ay nag-ugat sa isang artikulong lumabas noong 1998 sa Joseph Trainor’s UFO Roundup. “Noong Huwebes, Disyembre 16, 1998 sa ganap na 2:13 ng umaga, ang triangle shaped pattern of lights na nakita sa Baghdad at nakuhanan ng CNN night vision video camera. Ang liwanag ay lumabas at gumalaw sa kanan. Ito umano ay V-shaped formation gaya ng nakita sa Phoenix, Arizona noong Marso 13,1997.

Naniniwala ang mga UFO followers na ang flying saucer na lumagpak sa Iraq ang siyang nagbigay ng pag-aalala sa Top American secret agents dahil mula rito ay makakagawa si saddam ng sariling spaceship at armas. Ito ay sinuhayan din ng isang artikulong lumabas sa New Zealand.

Ang koneksiyon ng UFO kay Saddam ay ikinabahala ng US. Ang Arabong reporter na si Mohammed Daud al Hayat ay nagpahayag na may mga kuwento ng pagpapakita ng UFO sa Iraq. Ito ang usapan sa isang palengke sa Sulaimaniva hanggang sa timog ng Zarzi. Doon ay usap-usapan na ang mga bisita ni Saddam ay mga alien mula sa Nibiru.

Ikinakatakot ng U.S.A. ang mga ito, kung kaya sinikap silang gawan ng dahilan si Saddam para tugisin at idinahilan na nagtatago nga ito ng nukleyar na armas. Pero ang totoo, kinababahala ng US na maging makapangyarihan si Saddam dahil sa tulong ng mga alien sa Nibiru— sa pagbibigay nito ng makabagong teknolohiya’t armas na angat sa anumang nasyon sa buong mundo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here