KATSIKA MARCH 21: Pangalawang anak nina Richard at Sarah, lalaki ulit

March 21, 2018, ay isinilang ang ikalawang anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Ito ay pinangalanan nilang “Kai” na muli ay isang lalaki. Very sweet ang ipinost na larawan nina Richard at Sarah sa kanilang Instagram. Pareho sila ng post kung saan karga ni Sarah ang kanilang second baby habang magkadikit sila ng noo ni Richard at parehong nakatunghay ng buong pagmamahal sa kanilang baby boy. Ilan sa mga kaibigang bumati sa kanila ay sina Mariel Padilla,Maxene Magalona at Jaya na tuwang tuwa dahil ka-birthday niya si Kai. Excited din si Ruffa Gutierrez na ma-meet ang kanyang bagong pamangkin. Maliban sa mga kaibigan ay bumaha rin ng pagbati mula naman sa mga netizens.

Ang kanilang panganay na si Zion ay 4 years old na ngayon. Ang pangarap ni Sarah ay makasal sila ng kanyang lovable partner na si Richard sa Europe at ang kanilang honeymoon naman ay gusto niyang iraos sa isang island sa Costa Rica. Noong July ng nakaraang taon lamang inanunsyo nina Sarah at Richard ang kanilang engagement habang sila ay nasa Switzerland. Ito ay matapos ang limang taon na pagiging couple.

Sa nakaraang interview ng ABS-CBN kay Sarah, sinabi niya na tamang-tama lang ang timing ng kanyang pagbubuntis. Dahil si Zion ay four years old na at palagi siya nitong kinukulit na “Mama, I want a brother! Mama, I want a sister!” kaya naman pinagbigyan nila ito. Excited ding ipinost ni Sarah nang makumpirma ang kanyang pagbubuntis. At syempre pa, marami ang natuwa sa balitang iyon. Dahil sa nagbalik tanaw na rin lang tayo ay nakakakilig ding maalala ang pagpropose ni Richard kay Sarah. Sa gitna ng nagyeyelong paligid sa Switzerland ay lumuhod si Richard kay Sarah at saka nagpropose ng kasal. Ang sweet ng picture nila. Kaya naman nakakatuwang isipin na their family is growing pruweba kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.

Sa ngayon ay wala pang detalye kaya abangan na lang natin kung kailan mabibinyagan si Baby Kai at kung sinu-sino ang magiging ninong at ninang niya.

More TV Reviews

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here