Kathryn Bernardo At Nadine Lustre, Parehong Nominado Para Maging Best Actress Sa Gawad Urian 2020

Sino sa kanila ang mananalo? Siguradong ngayon pa lang ay may kanya-kanya ng sagot ang mga tao lalo na ang kanilang mga fans. At hindi na rin ako magtataka kung may uminit ang ulo kapag hindi nanalo ang iyong pambato.

Pareho namang magaling sina Kathryn at Nadine sa kani-kanilang larangan kaya lang talagang sa mundo ng showbizness kahit na ang nasa iisang Network lang ay pinagsasabong lalo na’t sa hitsura a lang ay may pagkakahalintulad na sila. Magkamukha naman kasi talaga ang dalawa kaya nang una ay nakakaramdam ako ng pagkalito sa kanila pero kapag paulitulit mo na silang pinanood ay malalaman mo rin ang kanilang pagkakaiba. Sa kanilang kilos, pananalita at kung paano magdala ng damit.

Kaya naman ngayon pa lang ay nakakasigurado na ako na marami sa kanilang fans ang mag-aabang kung sino sa kanilang dalawa ang nakatakdang magwagi. Ay ngayon pa lang ay nakikini-kinita ko na hindi magiging madali sa fans ng matatalo na tanggapin ang kanilang pagkatalo. Gayunman, wala naman silang magagawa dahil ang labanan nina Nadine at Kathry ay hindi naman padamihan ng fans. May mga hurado na hahatol sa galing nila sa pag-arte.

Si Kathryn Brnardo ay nominado para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye samantalang si Nadine Lustre naman sa pelikulang Ulan.  Bukod sa kanila ay nominado rin sina Bela Padilla para sa Mañanita, Alessandra De Rossi sa Lucid, Janine Gutierrez para sa Babae at Baril at iba pang artista.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here