KathNiel, the best love team sa Pilipinas

Sa panahon ngayon, masasabing ang KathNiel ang itinuturing na the best loveteam. Sorry na lang kung masasaktan ang JaDine, LizQuen, AlDub at kung anu-ano pang loveteam diyan. Ito naman ay sa aking opinyon lang at nakasisiguro ko na marami rin naman na marami ang sasang-ayon lalo na siyempre ang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.  

Sa nakalipas na limang taon o mahigit pa, hindi naglalaho ang kanilang chemistry. Kitang-kita rin naman kasi sa kanilang mga titig at salita na talagang nagmamahalan sila. Kaya, kung tutuusin, hindi nila niloloko ang mga tao. Nasa harap o likod ng camera ay iyon talaga ang damdamin nila para sa isa’t isa kaya naman genuine na genuine ang pagpapakilig nila sa mga tao.  

Bukod pa sa damdamin na ipinapakita nila, magagaling talaga silang artista kaya naman talagang madadala ka sa bawat eksena nila. Hindi sila tulad ng ibang loveteam na OA na umarte, pilit na pilit pa ang pagpapakilig na ginagawa nila. Kaya, kahit gaano pa sila kagaganda at kapopogi, lumiligwak pa rin sa takilya ang kanilang pelikula at hindi pinapanood ang kanilang mga teleserye kaya madali lang natatapos.  

Saka, marami rin namang patunay na perfect talaga ang tandem ng KathNiel, hindi nga ba nitong nakalipas na mga linggo lang ay in-announce nila na business partner na rin sila. Ito ang pagpapatunay na ang relasyon nila ay malalim na. Ibig sabihin, ang pakikitungo nila sa isa’t isa ay walang halong pagkukunwari. 

O. mayroon bang aangal dito na hindi the best ang loveteam ng KathNiel?

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here