KATAWAN NI STEPHEN HAWKING, PINARALISA NG DIYOS

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Sabi ng ilang awtoridad ng relihiyon, kaya naparalisa ang katawan ng henyo na si Stephen Hawking ay dahil sa pinaralisa iyon ng Panginoong Diyos. Paniniwala kasi ni Hawking, hindi ang Diyos ang lumikha ng sansinukob, kundi ang batas ng pisika.

Hindi na raw kailangan ang Lumikha upang gawin iyon. Isa pa, lahat ng mga paniniwala nito at mga isinulat ay pawang pagpapababa sa kadakilaan ng Diyos. Kung kaya, sa kabila ng kanyang karunungan, lalo na sa Pisika at sa astronomiya, para siyang lantang gulay na madalas nakaupo sa wheel chair.

Ito ang nakasaad sa pinakabagong aklat na isinulat niya na may pamagat na “The Grand Design” na inilathala bago siya mamatay.

Hindi na kinakailangang ma-involve ng Diyos upang gawin ang sansinukob,” pahayag ni Hawking sa London Times. Ang dahilan umano ng pagkakaroon ng universe ay dahil sa kaganapang Big Bang theory. Aniya, iyon ay isang natural na event na wala umanong tulong ng Diyos.

At dahil sa mayroong batas ng gravity, ang sansinukob ay maaaring likhain ang kanyang anyo mula sa kawalan,” giit pa nito.

Ang pagkakatuklas aniya ng ibang planeta at ng sistemang solar na bukod pa sa ating solar system ay nadagdagan noong mga kaagahan ng dekada 90. Paniwala pa ni Hawking na ang ating planeta at ang kanugnog nito ay hindi talaga ginawa. Ang mga siyentipiko umano na si Albert Einstein ay hindi isinama ang pagkakasangkot ng Diyos pagdating sa paglalang ng sansinukob. Ang argumentong iyon ay sinuhayan din ni Hawking sa kanyang naunang libro na “A Brief History of Time”.

Ang isa pang henyo sa batas ng Pisika na si Sir Isaac Newton na luminang ng thaory of gravity ay iginiit na ang kanyang paniniwala sa siyensiya ay maaaring makapagpaliwanag ng pag-uugali ng sansinukob , hindi ng paglalang. Aniya, ang gravity ay nagpapaliwanag ng galaw ng mga planeta. ngunit, hindi ito kayang ipaliwanag kung sino ang lumikha o nagtatag ng mga planeta upang gumalaw. Si Hawking ay retirado bilang Lucasian Professor ng Matematika sa Cambridge University sa nakalipas na 30 taon. Ito rin ang posisyon na hinawakan noon ni Isaac Newton. 

Ikinagalit naman ng mga Kristiyano sa London ang argumento ni Hawking dahil lumalabas na mas marunong pa siya sa Diyos pagdating sa batas ng Pisika. Ang ilan naman ay interesadong basahin ang kanyang libro upang mahanapan ng butas ang scientist na nagpapakahangal sa kanyang sarili.

Hindi puwedeng magkusang likhain ng sansinukob ang kanyang anyo at sarili na perpekto. Talagang mayroong lumikha at nag-disenyo niyaon. Iyon ang Diyos na lumalang ng lahat ng bagay,” pahayag ng isang pastor ng the Church of England.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here