Katatakutan April 13: Ang tungkol sa Aswang

758
Katatakutan on philippineone.com

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Ito ang karanasang hindi ko makakalimutan ng magpunta kami ng magbakasyon kami ni Dhie sa malayung lugar. Hindi ko na babangitin kung saan iyon basta ang alam ko, marami ngang hindi maipaliwanag na elemento at nilalang na naninirahan doon pero ayaw ko naman maniwala. Paano naman ako maniniwala kung hindi ko mararanasahan.

Dahil nga nasa estrangherong lugar ako, natural lang naman na maging palakaibigan ako. Kaya, ang ginawa ko. Kapag may nagpupunta sa lugar ng aking kaibigan, binabati ko. Ewan ko lang kung bakit ni isa sa kanila ay walang kumikibo, ni hindi nga ako bigyan kahit pilit na ngiti. Ibig ko sanang mainis ngunit naiisip ko ang palaging sinasabi ng aking ina. Huwag magtatanim ng galit. Kaya naman, inunawa ko na lang na isa akong estranghero sa paningin nila kaya hindi ako dapat pagkatiwalaan. Hanggang isang babae ang lumapit sa akin, sobra ang tamis ng ngiti, kaya nakaramdam ako ng kasiyahan. Sa wakas, mayroon ng pumansin sa akin.

Kaya naman wala akong pagdadalawang isip ng tanggapin ko ang inabot niyang ulam sa akin. Dinuguan iyon, paborito. Ngunit, hindi ko iyon nagawang tikman nang agawin ni Dhie ang mangkok na naglalaman ng dinuguan. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon pero nagalit ako siyempre. Naisip ko kasi na nagseselos lang siya.

Kahit naman kasi matandang babae iyon, kapag umiral ang pagiging selosa o seloso niya, ganoon ang kanyang ginagawa. Para siyang batang nagta-tantrums at nakakainis ang ganoon. Pakiramdam ko rin kasi, hindi niya ako pinagkakatiwalaan. Ngunit ng kunin niya ang natirang pagkain sa nabasag na mangkok, nagsalubong talaga ang kilay ko.

“Kakainin mo ba ‘yan?”

Hindi na sinagot ni Dhie ang matapang kong tanong sa kanya at ako naman ay hindi na nakapagtanong pagkaraan. Paano ba naman kasi, ng isalang na ni Dhie sa kalan ang dinuguan ay umalingasaw ang masangsang na amoy kaya naman napalapit ako sa kanya. Nanggilalas ako nang makita kong nagkulay lupa ang dinuguan tapos, nagkaroon ng daliri kaya naman hindi ko napigilan ang magsuka.

Pagkaraan sinermunan ako ni Dhie, mariing ipinaalala sa akin ang katigasan ng ulo ko. Ilang beses na nga naman kasi niyang sinabi sa akin na hindi ako dapat maging matigas ang ulo dahil nasa ibang lugar kami. Kailangan daw kasi, naging maingat ako lalo na’t mga estranghero ang mga tao. May mga tao raw kasing nagpapanggap ng mabait ngunit hindi naman.

May mga nilalang na ibig makapambiktima gaya ng matandang babae na isa raw aswang. Kung kinain ko raw ang pagkain na iyon ay makukuha na niya ako. Ibig sabihin, maaari akong mamatay. Kaya mula noon, kinikilala ko munang mabuti ang mga makakasalamuha ko. Soyempre, hindi ko feel na maaswang ako. Mahal ko ang buhay ko.

More Aswang

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here