Katas Ng Dahon Ng Papaya,Panlaban sa Dengue

Kung meron mang sakit na hindi nalalaos, ito ay ang dengue, isang viral na infection mula sa kagat ng babaeng lamok na aedes. Nagpapabalik balik ito at hindi nawawala sa uso kaya naman ibayong pag-iingat ang ating kailangan. Lalo na kung tag-ulan. Dahil laganap ito kahit saan,iba’t-ibang paraan na ang ating nasubukan para malabanan ito. Unang una na ang paglilinis ng ating kabahayan at kapaligiran para hindi mamugad ang mga lamok. Sa oras naman na madapuan na ng dengue ang isang tao, agad na gamutan ang kailangan kung ayaw itong mauwi sa kamatayan.

Isang personal na kakilala ko ang namroblema sa sakit na ito dahil ang anak niya ay nagkaroon ng dengue. Natural lang na labis siyang mabahala dahil buhay ng anak niya ang nakataya sa sakit na ito. Sa ospital ay may nakausap daw siyang babae na ang anak ay nagka-dengue rin at sinabihan siya na ang lunas nito ay katas ng dahon ng papaya. Ito raw ang nakapagpagaling sa anak ng babae. Sa una ay nagkaroon siya ng pag-aalinlangan dahil hindi siya masyadong tiwala sa mga herbal. Pero dahil nasa panganib ang anak ay sinubukan niya ito. Agad siyang naghanap ng dahon ng papaya at kinatas ito. Napaiyak siya sa tuwa dahil nang painumin niya ng katas ng dahon ng papaya ang kanyang anak ay tumaas ang platelet count nito kaya naman labis ang naging pasasalamat niya sa babae na nagsabi sa kanya tungkol dito. Kahit wala pang pag-aaral tungkol dito, para sa kanya ay sapat na ang nagawa nitong tulong sa kanyang anak para maniwala siya na nakagagaling nga ito.

Ang paraan , kailangan ay mismong katas mula sa dahon ang ipapainom at hindi ito kailangang pakuluan o haluan ng tubig.Isang kutsara lang kada isang dahon. Pero bakit nga ba nakakayang labanan ng katas ng dahon ng papaya ang dengue? Ito ay dahil sa taglay nitong carpaine,carposide,saccharose, dextrose, levulose at citrates.

Gayunpaman,sa kabila ng kahusayan nito sa pagpapataas ng platelet count ay kailangan pa rin na kumonsulta sa doctor nang sa gayon ay makasiguro na ligtas na sa dengue. Kailangan din nating maging alerto sa mga sintomas nito gaya ng pananakit ng ulo,pananakit ng mga mata,pananakit ng mga kasu-kasuan at kalamnan,pamamantal,pagkahilo,pagsusuka,pagkawala ng gana sa pagkain at lagnat na matagal at pabalik balik..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here