Kaso ng Meningococcemia sa Bansa, Tumataas

0
92

Ang Meningococcemia ay hindi na bago sa ating pandinig dahil sa mga naitalang kaso nito ilang taon na ang nakalilipas. Ang nakakahawa at nakakamatay na sakit na ito, muli na namang naririnig sa mga balita at patuloy na nadaragdagan.

Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) na mayroon nang naitalang kaso ng meningococcemia sa probinsya ng Batangas. Sa loob ng dalawang linggo lamang, apat na pasyente ang namatay mula sa magkakaibang bayan sa nasabing probinsya na pinaniniwalaang kaso ng meningococcemia.

Ang mga kasong ito ay nagmula sa bayan ng Tanauan, Nasugbu, San Juan at Lian sa probinsya ng Batangas.

Nitong Biyernes lamang, dalawang pasyente naman sa San Lazaro Hospital ang namatay na pinaniniwalaang dahil din sa sakit na ito. Ito ay bukod pa sa dalawang pasyenteng patuloy na inoobserbahan dahil sa pagpapakita ng kahalintulad ng sintomas ng sa meningococcemia.

Ayon kay Dr. Ferdinand De Guzman, Chair ng Department of Family Medicine sa nasabing ospital, ang dalawa ay nasa isolation room na at sinusuri upang malaman kung kumpirmadong mayroon nga ito ng nakakahawang sakit.

Siniguro naman ng pamunuan na nasa maayos na kalagayan ang lahat ng mga pasyente at patuloy na tututukan ang nasabing sakit.

Muli namang nagpaalala ang Department of Health sa mga paraan upang maiwasan ang sakit na ito kabilang na ang pagpapanatili ng proper hygiene, pagsusuot ng mask at pagpapakonsulta sa doktor.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here