Karma, kathang-isip ka nga lang ba?

Marami ang nagsasabi na karma ay hindi naman totoo. Ewan ko lang kung dahil nga ba sa paniniwalang iyon, maraming tao ang nanloloko. Inisip nila na hindi naman talaga totoo ang karma. Kung maaksidente man o namatay ang isang tao dahil sa kasamaan na ginawa nila sa kanilang kapwa, ay sinasabi nilang nagkakataon lang.

Ako, naniniwala ako sa karma. Ito nga marahil ang dahilan kaya hindi ako makagawa ng masama sa kapwa ko. Kahit pa may pagkakataon na niloko ako ng taong pinagkakatiwalaan ko, hindi ko na naisipan pang gumanti. Its just a waste of time. Mapupuno lang ng negatibong emosyon ang iyong damdamin. Kapag ganoon ang nangyari, makakaisip ka pang gumawa ng masama. Ito nga ang dahilan kaya maraming nakukulong.

Dahil sa ginawan sila ng masama ng isang tao, magtatanim siya ng galit at maisipan pa niyang gumanti. Sa una, ang nais lamang niya ay maturuan ng leksyon ang nagksala sa kanya. Ngunit, sigurdong kapag nasa sitwasyon na siya ng kanyang paganti, hindi na niya maisipan pa na turuan lamang siya ng leksyon. Tiyak na mas matindi pa ang kanilang gagawin. At dahil nga gigil na gigil ka, hindi mo namamalayan na sumosobra na ang pambubugbog dahilan para siya ay maospital o mawalan ng buhay.

Kung sakaling namatay ang taong nakagawa sa’yo ng masama, anong mararamdaman mo? Maaari ngang sa simula ay makaramdam ka ng kasiyahan ngunit tinitiyak ko sa’yo na pagkaraan, kapag nakapag-isip-isip ka na, makokonsensiya ka rin. Kaya, para hindi ka na humantong pa sa ganitong sitwasyon, huwag mo na pairalin ang galit na iyong nararamdaman.

Ano ang dapat mong gawin?

Sabi ko nga sa’yo, hindi lamang kathang-isip ang karma. Dahil ang karma ay bagay na bagay na salita sa taong dapat na parusahan dahil gumawa ng masama sa kanyang kapwa. Hindi ko nga lang alam kung sino ang tuwiran na nagpaparusa sa kanya.

Si God ba?

Tiyak na marami ang magsasabi ng ‘hindi’ dahil ang karma ay may layuning makapanakit pero sa isang banda, naniniwla ako na kahit gaano tayo kamahal ni God, kapag nakagawa tayo ng mali ay hindi niya hahayaan na ‘di tayo mapaparusahan at ang pinakatamang parusa na dapat na ipataw sa atin ay iyong ipadama rin ang sakit.

Kaya, kung pinagtaksilan mo ng mister o misis mo, huwag mong asahan na magiging happy ka na forever, tiyak na hindi. Ang masakit, pagtataksilan ka rin ng ipinalit mo sa’yong asawa. At kung ikaw naman ay nanloko ng kaibigan, halimbawang niloko mo siya sa pera, huwag mong asahan na aangat ng buhay mo dahil hindi mangyayari ‘yan. Kung naloko mo siya ng P75k, asahan mong mawawala rin sa’yo ang kinita mo sa kanya dahil maloloko ka rin ng ibang tao. Kaya, karma lang ‘yun.

O, hindi ka pa rin ba naniniwala sa karma?  Para maniwala ka, gumawa ka ng masama at hintayin mong babalik din iyon sa’yo at mas masakit pa.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here