Karapatang Pantao, Ka-Ipokritohan at ang Laban sa Droga

0
5813

Umaalma ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa laban sa droga ng Presidente ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte. Pinupuna nila ang karahasan at pagkamatay ng mga taong nadawit sa extrajudicial killings (EJK). Hinihikayat nila si Duterte na itigil na ito.

Dinidiin ng mga kritiko na si Duterte mismo ang nanghihimok ng paghihimagsik mula sa publiko.  Siya’y nagpapalakas nang loob ng mga alagad ng batas na patayin ang mga durugista nang walang laban.  Hindi nakakatulong ang mahimagsik na saloobin ng president sa mga tagapagtaguyod. Dahil sa pagtaas umano ng bilang ng paglabag sa karapatang pantao, lalong lumalakas ang tawag sa pangulo na pag-aralan ang kanyang estratehiya laban sa mga gumagamit at nagbebenta ng droga. Lehitimo ang ibang kritisismo. May ilang nai-ulat na napatay ng mga bihilante base lamang sa usap-usapan at walang kongretong patunay.

Ang mga matataas na opisyal ng pulis ay hindi rin nakakatulong na patahanin ang mga kritiko lalo na sa mga ulat sa labas ng bansa. Naalarma ang ilang opisyal ng mga kaalyado ng Pilipinas sa mga komento ni Gen. Rolando “Bato” Dela Rosa nung sinabi niyang ang mga aksyong bihilante ay gawa gawa rin ng mga sangkot sa pagbenta at gamit ng droga. Sinabi rin niyang kung pulis man ang pumatay sa suspeks, ito’y dahil sila’y nanlaban at ginagawa lamang ng mga pulis ang kanilang trabaho. Si Dela Rosa rin ang nagsabi sa mga durugista na barilin ang mga drug lords kung kinakailangan.

Hindi sumasang-ayon ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa sinasabi ng mga pulis. Naniniwala silang may karapatan ang mga durugista at ipanagkakaila ni Duterte ang mga ito.

Ngunit sa paglala ng problema sa droga at pagdami ng mga gumagamit, lumalala rin ang mga krimeng tulad ng paggahasa at pagpatay. Hindi ba’t ipinagkakaila rin ng mga durugusta ang karapatan ng ibang tao na mamuhay nang walang krimen? Ang krimen sa Pilipinas sa nakalipas na dekada ay lumulubha at karamihan ay dahil sa paglaganap ng droga sa kalye.

Ang shabu ang pinakalaganap sa mga baranggay ng Pilipinas. Inuulat ng Philippine Star noong 2009 na 90 porsyentos ng baranggay sa Metro Manila ay apektado ng droga. Kumalat na ang drug dens ng shabu, maliban sa mga nagbebenta at nagluluto. Ito’y hindi maliit na problema. Ito’y isang salot. Isaalang-aalang ang mga sumusonod:

Kung inaatake ng ISIS ang inyong lugar sa bawa’t oras at araw, malamang itataguyod at ikakatuwa mo na sila ay mapatay at maubos. Ang Pilipinas ay inaatake ng mga drug lords at pushers sa mahigit na isang dekada. Idiniklara ni Duterte na sila ang kalaban. Sa kabila nito, wala syang makuhang suporta sa mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao. Hindi ba’t ito’y isang pagkukunwari at pagkakaimbabaw?

 

Terorista Ba ang mga Durugista?

Sa mahigit na dalawang dekadang pagka-alkalde ni Duterte sa Davao, isang siyudad sa dakong timog ng Pilipinas, iisa lang ang kanyang paniniwala sa mga lulon sa shabu. Sa pag-iral ng paniniwalang ito, nagawa niyang isa sa mga pinakaligtas na lugar ang Davao sa buong mundo. Naniniwala rin siya na wala na sa tamang pag-iisip ang mga durugista at dahil dito, sila ay mga salot ng lipunan. Iilan lang rin sa kanila ang bukas-loob na magbago.

“Alalahanin nyo na yung mga lulun sa shabu ng isang taon ay patay na. Wala na silang silbi sa lipunan,” sinabi ni Duterte nung 2016, dalawang buwan matapos niyang ilunsad ang laban sa droga bilang Pangulo ng Pilipinas. “Itong mga nagtataguyod ng karapatang pantao, hindi binilang ang mga batang pinatay at ginahasa ng mga durugista bago ako naging presidente,” ani Duterte at tinanong niya ang mga tagapagtaguyod kung anong ibig sabihin ng pagiging tao para sa kanila.

Sa isang sanaysay na sinulat ni Doug Thorburn, isang manunulat at eksperto sa droga at alkoholismo, sinabi niyang maraming teroristang nalulon rin sa droga bago pa man ito gumawa ng malaking krimen, tulad ng pagpatay ng maraming tao. Binigay niyang halimbawa sina Osama bin Laden, Hitler at Charles Manson na nagkaroon ng malubhang epekto ang droga sa utak. Hindi ibig sabihin na lahat ng durugista ay gagawa ng krimen. Subalit para kay Thornborn, terorismo na ring maituturing ang pagsisinungaling, pagnanakaw at pananakit ng mga durugista sa kanilang pamilya. Ang pagkakaroon nila ng problema sa pag-uugali, kilos at gawain ay kasalutan.

Ang problema ng shabu ay mabigat rin sa bansang Australia. “Yung mga bilanggo madalas akong sabihan na ang ice (meth o shabu) at sadyang nakakalulon, na kahit minsan lang matikman, pwede nang mauwi sa adiksyon at ang epekto ng taong gumagamit, sa kanilang mga pamilya at mga nabiktima ay mapaminsala,” sinabi ni Frances Nelson ng Parole Board sa Australia. Isinasang-alang ng kanilang mga pinuno, tulad ng senador ng South Australia na si Nick Xenophone, na rebisahin pa ang batas krimen laban sa mga durugista. Sinabi niya dapat silang tratuhing terorista.

Panghihimasok, Isang Ka-ipokritohan

Isa sa pinakamabigat na kritiko ni Duterte ay si dating Pangulong Barack Obama ng Amerika na iba ang pananaw sa mga durugista. Para sa kanya, ang adiksyon ay hindi krimen, bagkus ito ay problema ng kalusugan. Para sa kanya, ang mga durugista ay hindi dapat ikulong. Dapat ay bigyan sila ng kaukulang tulong upang maiwasan ang paggamit. “Kung paano natin tinitingnan ang sigarilyo bilang problema ng kalusugan, at ang mga namatay dahil dito bilang krisis ng kalusugan, ganun rin dapat ang tingin para sa mga lulon sa droga.  Malaking kaibihan ang maidudulot nito,” sabi ni Obama.

Ang kritisismo ni Obama kay Duterte ay tinawag na malaking pagkukunwari dahil sa kabila ng pag-aalala nito sa paglabag sa karapatang pantao, ang Amerika ay may interes-political, sabi ni Tony Cartalucci, isang geopolitical analyst. Nung sinumbatan ni Obama si Duterte, ang Amerika ay nagbenta ng mga armas sa Saudi Arabia na nakikipagdigmaan sa Yemen.  Tinawag ng Amnesty International (AI) ang gobyernong Obama na impokrito dahil dito.

Samantala, kasabay ng pag-alma ni Obama, ang Amnesty International ay naglabas rin ng 68-pahinang ulat tungkol sa EJK sa Pilipinas. Sinabi ng grupo na ito ay isang krimen laban sa katauhan. Ngunit may ilang nagsasabi na ang ulat ng AI ay isang demolisyon na pinunlaan ng pera ng mga grupong may ibang pakay, ayon sa ulat ng GeoPolitics.

Ang U.N. Human Rights Council (HRC) ay isa ring kritiko ni Duterte ngunit maraming kumukwestiyon sa moral na awtoridad nito.  Ang mga miyembro ng HRC, maliban sa Pilipinas at Amerika, ay ang Saudi Arabia, United Arab Emirates, Ethiopia, China, Cuba, Venezuela and Egypt. Lahat ng bansang ito ay may mga paglabag rin sa karapatang pantao tulad ng pang-aalipin, child trafficking, pagbabato sa mga adultero hanggang sa kamatayan, labis na paghihirap at pagpigil sa malayang pamamahayag.

Ilang dekada na ring inaakusahan ang China sa paglabag nito sa karapatang pantao, ngunit kelan ba naparusahan ang bansa dahil dito? Madaling umalma at mag-akusa ngunit ang paglihis at pagsisipsip sa bansang inaakusahan ay isang ring ka-ipokritohan.

Ang Laban sa Droga

Nilikha ni President Richard Nixon ang salitang “war on drugs” (laban sa droga) noong 1971 nung hinangad ng White House na pangalagaaan ang kabataan ng Amerika sa mga nagbebenta ng droga. Gumastos ang gobyerno ng ilang bilyones para dito ngunit hindi pa rin naiibsan ang problema sa droga hanggang ngayon. Bagkus, ito ay isa sa pinakamalaking problema ng bawat bansa sa daigdig.

Noong 2012, sinabi ng U.N. na ang Pilipinas ay may “pinakamataas na ura sa pag-abuso ng methamphetamine hydrochloride o shabu sa Silangang Asya,” at kaunti lamang ang nagawa ng gobyerno para mabawasan ito. Nais ng mga tagapagtaguyod ang rehabilitasyon at “decriminalization” para sa mga nalululon, ngunit ang konseptong ito ay epektibo lamang sa mga liberal sa Kanluran tulad ng Amerika at Europe.  Walang maayos na inprastraktura at tax remittances ang Pilipinas, na binubuo ng 100 milyon katao, upang matulungan ang mga durugista.

Sa Europe, ang pagtikim ng droga ay isang karapatang pantao, lalo na ang marijuana. Ang pagpasok sa rehab ay isa ring karapatang pantao at ang pagpilit na irehab ang nalulon ay isa ring paglabag sa kanilang karapatan.

Marami nang nasabi ukol sa nagawa ng Portugal, kung saan ang mga nalululon ay nahahatawan ng administrative offenses at hindi tinuturing kriminal.  Mas mataas ang GPD ng Portugal sa Pilipinas kung kaya’t nakapagtayo ito ng state-sponsored rehabs. Kalahati sa apat na milyong durugista sa Pilipinas ay lulon sa shabu at hindi kayang ayunan ng gobyerno ang lahat nang pagpapagamot nito.

Marahil ay hindi matitinag ng mga kritiko si Duterte. Marahil ay hindi rin nila mababago ang pag-iisip nito laban sa mga lulon sa shabu. Isinasang-ayon niya ang problema ng kanyang bansa bilang inihalal na president na nagpromiso na gagawin nyang ligtas ang Pilipinas sa salot ng droga. Ang mataas na approval ratings ng presidente ay nagsasaad na ang kanyang paraan ang pinakamabuting solusyon para sa mga Pilipino.

Mahalaga ring banggitin na ang bansang China, na maraming nilabag na karapatang pantao, ay isa sa mga malalaking supplier ng droga sa Pilipinas.

 

Sources:

Inquirer: ‘Drug lords ordered hits’ http://newsinfo.inquirer.net/796011/drug-lords-ordered-hits

Business Standard: ‘More people die from drug abuse than terror attacks’ http://www.business-standard.com/article/pti-stories/more-people-die-from-drug-abuse-than-terror-attacks-117030201126_1.html

Philstar: ‘Duterte likens drug addicts to zombies’ http://www.philstar.com/opinion/2016/08/24/1616655/duterte-likens-drug-addicts-zombies

Inquirer: ‘Junkies are not humans’ http://newsinfo.inquirer.net/810395/junkies-are-not-humans

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here