Kapatid ng sikat na komedyante, nagpakamatay sa Kuwait

0
140

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Nitong nakaraang linggo ay binulaga tayo ng hinagpis ng komedyanteng si Super Tekla. Hindi kasi niya magawang tanggapin na ang kapatid niyang si Marife ay nagpakamatay sa Kuwait kung saan isa itong katulong.

Kahit pa sabihin na marami FB post si Marife ng kanyang paghihirap na nararamdaman nito sa mga FB post nito tapos ay mayroon pa itong sinabing, …for d lastym smile bheii bii #paalam ay di sapat na dahilan iyon para maniwala si Super Tekla na magpapakamatay ang kanyang kapatid. Sabi kasi ng komedyante ay wala siyang maisip na dahilan para gustuhin ni Marife na wakasan nito ang sariling buhay.

Kaya naman nananawagan siya ng tulong sa Philippine Embassy na sana naman ay imbestigahan ang kaso ng kanyang kapatid. Hindi kasi siya kumbinsido na talagang magpapakamatay ang kanyang kapatid. Ngunit, ibinulgar ni Super Tekla na inaabuso at minamaltrato sa ibang bansa.

Gayunpaman, sa interview kay Super Tekla ay nakaramdam sin siya ng pagsisisi kung talaga ngang nagpakamatay ang kanyang kapatid. Kahit kasi nakita na niya ang mga post ng kapatid na punung-puno ng problema at hinagpis ay hindi pa rin niya ito nagawang tawagan kaya naman labis siyang nagsisi. Baka raw kasi kung napaliwanagan niya ito ay hindi humantong sa pagpapakamatay ang pangyayaring iyon.

Talagang kung minsan kahit na magaling ka pang magpatawa ay hindi ibig sabihin noon ay magaling ka ng magdala sa problema. May pagkakataon kasing hindi mo magagawang dalhin iyon kung may mabigat na mabigat kang pinagdaraanan.

Mga katsismosa, kailangan mong malaman na ang pangunahing dahilan kaya nagkakaroon ng depression ang isang tao na nagtatrabaho sa abroad ay dahil sa problemang ibinibigay sa kanila ng mga pamilya na naiwan nila. Hindi raw kasi kinakausap ng anak itong si Marife. Ewan nga lamang kung gaano katotoo iyon, siyempre ang pamilya niya ang makakasagot.

Basta ang nais ni Super Tekla ay malaman kung ano ang talagang nangyari sa kanyang kapatid kaya nananawagan siya ng tulong. Sana naman dahil may pangalan naman siya ay magawa siyang mapagbigyan. Ito naman ay hindi lamang sa special treatment porke siya ay artista. Kundi ito ay pagpapamulat sa lahat na hindi porke nagtatrabaho sa abroad ay mayroon ng magandang buhay. Hindi rin porke lagging nakangiti ay wala ng problemang pinagdaraanan.

Ang dami-dami talagang problemang kinakaharap ng ating mga kababayan sa ibang bansa pero hindi natin nagagawang pansinin dahil hindi hindi naman natin sila kamag-anak. Ngunit, paano naman kung kadugo natin ang magkaroon ng problema. Kaya sana, kumilos din ang ating gobyerno para alamin ang sitwasyon ng mga kababayan natin sa ibang bansa. Tutal naman, nakikinabang din naman ang Gobyerno natin sa kinikita nila, hindi ba?

SHARE
Previous articleHoroscope, Enero 10, 2018
Next articleAng kahulugan ng pagsasayaw
My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here