Kapangyarihan: Mga klase ng super powers o psychic power

10724

Bawat isa sa atin ay may angking talento at kakayahan. Ngunit, hindi lahat ay nagtataglay ng super natural power o kapangyarihang higit pa sa normal na abilidad ng isang tao. Ang isang psychic power o ability ay kadalasang hereditary o namamana mula sa magulang o sa ninuno. Dahil ito ay nakapaloob na sa iyong DNA, ito ay kusang lalabas sa iyo. Nasa iyo na nga lang ang pagpapasya kung ito ay iyong gagamitin. Ang ilang kapangyarihan ay maaari ding acquired o napag-aaralan. Maaaring makapagkamit ng ilang active powers kung magagawa mong gisingin ang iyong chakras kung saan nakahimlay ang psychic ability ng isang tao. Ang ilan ay gumagamit din ng orasyon, anting anting, at mutya upang magkaroon ng temporary o pansamantalang super powers.

Ang mga superpowers ay nahahati sa dalawang kategorya: passive power at active power.

Passive Power

Ang passive power ay tago o hindi nakikita ng pisikal na mata ng mga tao ang pagganap nito sapagkat tanging tao lamang na mayroon nito ang makakaalam. At dahil walang physical proof, kadalasang hindi pinapaniwalaan ng iba ito, maliban kung ito ay ma-validate na tama. Narito ang halimbawa ng mga passive powers.

1. Precognition–kakayahang makita ang hinaharap. Clairvoyant ang tawag sa mga taong mayroon nito. Sa kolokyal na termino, sila ay tinatawag na mga manghuhula. Sa relihiyon, at bibliya, sila naman ay kilala bilang mga propeta.

  1. Empathy— kakayahang maramdaman ang emosyon at mabasa ang iniisip ng isang tao. Ang mga may sobrang lakas na emphaty ay kadalasang naaabsorb pa ang emosyon ng taong kaharap.
  2. Premonition-kakayahang makita ang mangyayari pa lamang sa pamamagitan ng paghawak sa isang bagay o tao. Kung minsan, kaya ding itrigger ng aura sa paligid ang premonition.
  3. Retrocognition— kabaligtaran ito ng precognition sapagkat ang nakaraang pangyayari o kasaysayan naman ang kayang makita ng taong mayroon nito.
  4. Psychometry–kakayahang makarating sa isang lugar, sa nakaraan at maging sa nakaraan gamit ang isip.

Telephaty–kakayahang makipagkomunikasyon sa isang tao gamit lamang ang isip.

Sa mga uri ng possive power na nabanggit, pinakakaraniwan ang emphaty, sapagkat normal sa atin ang makaramdam sa kung ano ba ang iniisip sa atin ng isang tao. Ang mga misis o kasintahan ay karaniwang nakaka-develop ng extra sensory perception o ESP o malakas na kutob kung niloloko sila ng kanilang kapareha. Nangyayari ito kapag sobra ang attachment mo sa isang tao. Nagagawa mong i-link ang wave ng utak mo sa isang tao. May ilang tao naman na maaaring magtaglay ng higit pa sa dalawang passive power. Pero ang precognition, retrocognition, at emphaty ay karaniwang magkakaugnay sa bawat isa kaya ang isang tao ay maaaring makapagtaglay nito ng sabay-sabay. Ang pinakamahirap sa mga passive power ay ang psychometry , ngunit sa tamang training ay maaari kang matuto nito.

Active Powers

Ang mga aktibong kapangyarihan ay yaong maaaring makita ng pisikal na mga mata ang pagganap. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

1. Telekinesis— kakayahang makapaggalaw ng mga bagay gamit ang kapangyarihan ng isip.

  1. Materialization–kakayahang makapagpalabas ng pisikal na bagay gamit lamang ang isip.
  2. Bilocation— kakayahang hatiin sa dalawa ang katawan upang makapunta sa magkaibang lugar sa iisang oras.
  3. Invisibility–kapangyarihang maglaho sa paningin ng mga tao.
  4. Teleportation— kayayahang makapunta sa isang lugar sa isang iglap lamang.
  5. Levitation— kapangyarihang makalipad o makaangat sa lupa
  6. Shape shifting— kakayahang magpalit anyo.
  7. Pyrokinesis– kakayahang maglabas ng apoy gamit ang isip.Sa mga nasabing active powers, ang telekinesis ang pinaka-karaniwan. Sinasabing 30% ng populasyon sa buong mundo ay mayroon nito. Bukod dito, lahat ay maaaring matuto o magkaroon ng telekinetic power sa pamamagitan ng wastong meditation at training.

Mga mantra upang magkaroon ng supernatural power o ability

Tunay na kagila-gilalas ang pagkakaroon ng kapangyarihan o kakayahang lagpas sa natural na abilidad ng isang tao. Kung noong araw ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay taboo o itinatago dahil ito ay kinokondena ng lipunan na mula sa diyablo, sa wastong kaalaman at pagtutuwid dito ng mga dalubhasa, ang pagkakaroon ng kapangyarihan ay isa nang prebilehiyo at asset. Narito ang ilang mantra na maaari nyong subukan upang magkaroon ng supernatural power. Isa isa lamang po at di pede ang marami kaya pipili po kayo ng talagang gusto nyo lamang.

1. ZAGGRO (Zag – grooo) upang makontrol ang isip ng isang tao.
2. AKKAK (Ak-kak) upang magkaroon ng telephatic ability.
3. HUYUK (hu-yuk) upang makapag astral travel.
4. NIMKACY (nim-ka-si) upang magkaroon ng telekinesis
5. GARPONIC (gar-po-nik) upang makalutang sa hangin o levitation
6. BYBLOSTYIOUS (bib-los-ti-yus) upang mabasa ang aura ng isang tao
7. VASTABA (vas-ta-ba) upang magkaroon ng clairaudient abilty o makarinig ng tinig mga espiritu o iba pang elemental)

Sa occultism, ang mantra ay mga makapangyarihang kataga na maaaring magamit upang makipagkomunikasyon sa mga espiritu at Higher Being.

Sa pagganap ng mantra, humanap ng isang tahimik na lugar kung saan hindi ka magagambala ninuman. Umupo ng tuwid sa isang upuan, isarado ang mga mata, at saka huminga ng malalim at dahan-dahan. Ang pagbigkas ng mantra ay dapat na nagmumula sa baga or lungs. Bigkasin ang mantra na iyong nais ng 52 ulit. Gawin lamang ang exercise na ito kada isang araw, sa oras na iyong nais o kumbinyente sa inyo. Ulit-ulitin ang mantra hanggang sa makamit ang nais. Ito ay tatagal kadalasan ng pito hanggang 10 araw. Pero tatandaan ninyo na maging maingat sa pagbigkas ng anumang mantra sapagkat ang maling paggamit nito ay maaaring magdulot ng mental disorder.

More Pamahiin

More Astrology

More Horoscopes

More Palmistry

More Dreams

 

SHARE
Previous articlePALMISTRY 103: Mga dapat tandaan sa pagtupad ng pangarap
Next articleIsyu 203: Hindi gusto ang ka-date sa panaginip
Author/Psychic/Photographer/Blogger

12 COMMENTS

  1. Kc matalas pkiramdam k n my mga taong nkapasok s bahay kng d ko mkita pero naramdaman k cila at minsan pgjamalan nlang akong buang ng asawa ko kc ilang beses ng narinig k cyang my ksusap pgtinanong m nagagalit paano k mapatunayan lajat n ito pls help me tjanks Sir Rey

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here