Kapangyarihan June 15: Bakit nga ba tayo nasasaktan?

0
293

Sa Kapangyarihan June 15, kailangan mong tunghayan itong istorya na ito pati na rin ang video.

Ano-ano na ba ang naibigay mo sa ngalan ng pag-ibig? Ilang beses ka na rin bang umiyak at nasaktan sa ngalan nito?

Sa espiritual na aspeto, dalawa ang dahilan kung bakit dumarating ang isang tao sa ating buhay: upang bigyan tayo ng kaligayahan, at upang tayo ay turuan ng leksyon.

Lagi mong tatandaan na walang aksidente sa mundong ito. Lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay nakahabi na sa “dakilang disenyo” ng uniberso. Bago ka pa man ipanganak sa mundong ito, lahat ng luha at tuwa, pait at tagumpay, pagkalugmok at pagbangon, ay nakaguhit na sa iyong palad. Hindi mo ito maiiwasan sapagkat ito ay bahagi ng pagbuo mo ng iyong karmic debt na iyong nalikha sa bawat pag-iral mo sa mundong ito sa pamamagitan ng reincarnation o muling pagkabuhay ng iyong espiritu sa bagong katawan.

Kung may isang tao mang dumating sa iyong buhay upang bigyan ka lamang ng pasakit; kung ikaw ay niloko , sinaktan, at binusabos, sa halip na magtanim ng sama ng loob sa taong iyon at isipin kung paano ka makagaganti, gawin mo siyang inspirasyon. Huwag kang masuklam sa taong ito sapagkat siya ay bahagi lamang din ng iyong dakilang disensyo at sadyang ipinadala sa iyo ng kapalaran, tadhana at uniberso upang maganap ang dapat na maganap. Sa halip na isiping gumanti sa taong nanakit sa iyo emotionally, ngitian mo na lamang ang sitwasyon at bumangon kang puno ng pag-asa. Mag-move ka at ayusin ang iyong buhay. Palakasin mo ang iyong pagkatao. Re-invent yourself, ‘ika nga. Gawin mong inspirasyon ang taong ito upang ayusin mo ang iyong buhay.

Ang buhay ay isang pagsagupa sa ilog na may malakas na alon. Sa halip na salungatin mo ang mga alon, sumabay ka lamang sa agos. Ang sakit na naranasan mo sa isang tao ay may hatid din naman sa iyong aral, basta’t matuto ka lamang na magtanda sa mga kamalian mo upang hindi mo na ito uulitin pa sa hinaharap.

Kung ang asawa mo o kapareha at kasintahan ay niloloko ka at paulit-ulit na sinasaktan ang iyong emosyon, hayaan mo na lamang siya. Sabi nga, ang isang bagay, kung para sa iyo ay para sa iyo. Hindi mo ito dapat na paghirapan. Kung kayo talaga ng isang tao ang nakatadhanang magkasama sa pag-iral mo sa mundong ito, ito ay magaganap.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here