Kapangyarihan: Kahulugan Ng mga hayop o insektong nakakasalubong

7075

Kung matatandaan, sa aking mga dating articles ay lagi ko nang nababanggit na ang universe ay laging may kamangha-mangha at pambihirang pamamaraan upang magpahatid ng mensahe sa atin. Ito ay maaaring nasa anyo ng number synchronicity, panaginip, musika, mga bangkang papel, at kung ano-ano pa. Ngayon, ating tatalakayin ang isa pang pambihirang paraan ng universe upang makipag-usap sa atin—at ito ay sa pamamagitan ng mga hayop sa iyong paligid.

Ayon sa mga kasabihan at matandang paniniwala, kapag may isang hayop kang nakasalubong sa daan, ito ay may mensaheng ibig iparating sa iyo.  Narito ang ilang karaniwang hayop na ginagamit ng universe upang ipaabot ang kaniyang mensahe.

Maging mapagmasid!

 

  1. Praying Mantis

Ipinapaala sa iyo na mag-relax at mag-lay low muna pasumandali sa napaka-busy mong schedule. Panahon na upang i-enjoy ang tranquility ng buhay.

 

  1. Butiki

Nangangahulugan na dapat mong paglaanan ng panahon ang pagtupad sa iyong mga pangarap at ambisyon.  Maaaring dumaranas ka ng kawalan ng tiwala sa sarili at nakakalimutan mo na kung ano ba talaga ang purpose mo sa buhay.

 

  1. Ahas

Ipinapaala sa iyo ang nakatago at nakalimutan nang interes at pangarap.  Sinasabi sa iyo ng universe na kumilos na upang maging realidad ang iyong ambisyon.

 

  1. Gagamba

Ang gagamba ay simbolo ng creation at spiritual connectedness. Sinasabing panahon na upang gamitin o i-utilize mo ang iyong creative potential.  Pinapaalalahanan kang magtiwala sa sariling kakayahan na maghahatid sa iyo sa tagumpay at self-fulfillment.

 

  1. Tutubi

Good omen kapag nakakita ka ng tutubi, lalo na sa panahon ng iyong depression at kalungkutan dahil ipinapaalala sa iyo ng universe na hindi ka nag-iisa dahil nasa tabi mo lamang ang iyong spirit guide (o guardian angel). Gusto ring sabihin sa iyo ng universe na huwag kang malungkot dahil marami pa namang tao ang sa iyo ay nagmamahal ng tunay.

 

  1. Paruparo

Ipinapaala sa’yo ng paruparo ang power of transformation at ang pangangailangan na may mabago na sa kasalukuyang itinatakbo ng iyong buhay.  Pinapaalalahanan ka rin ng universe na mag-move on na sa anumang kabiguang sinapit dahil oras na upang paunlarin mo ang iyong sarili.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleTanong mo Sagot ko June 11
Next articleDear Maria June 11: Sobrang seloso ang foreigner na boyfriend
Author/Psychic/Photographer/Blogger

7 COMMENTS

  1. Lea Emilia Vitancol Bautista

    Can you read my future!

    • Pakibigay po ang inyong complete birthday. Huhulaan ko po kayo gamit ang Numerology. Patuloy lamang pong sumubaybay sa PhilippineOne!

  2. Hello po sir Rey pwede magpahula ng maging kapalaran ko sa darating na taon May mababago pa kaya sa takbo ng buhay namin? December 23 1988 b day ko salamat.tsaka May pagkakataon po nakakakita ako ng alitop top nag iisang lumilipad.ako Kya pinapabatid sakin nun.sana masagot po ninyo.salamat.

    • Good eve po sir Rey Lagi po ako nagbabasa ng mga article nyo, at karamihan ay inaaplay ko s everyday life ko,pwede po ba mabigyan nyo ako ng gabay, para s mga nalalbi pa na buwan ng 2019 at kung may new good 2020 poba n sasalubong sa aki Birthday ko po is November 28,1981

  3. Maganda ang taong ito para sa pagsisimula ng isang maliit na negosyo or anything na magpapabago sa usual routine mo. Kung employed ka at hindi ka na masaya sa work mo, puwede kang mag-resign at magsimula ng bagong career. Kung may business, puwede kang mag-expand. Ngayong 2019 ay hudyat rin ng pagtatapos ng mga bagay sa buhay. Maaaring ito ay relasyon, partnership, friendship, pagkakautang, at iba pa na maaaring magtapos. About naman sa alitaptap, sinasabi na may espiritu o entity na bahay na pinasukan ng isang alitaptap. Sa Science naman, malinis pa ang ecosystem ng lugar kaya may alitaptap pa.

  4. Magandang gabi po sir rey tanong ko lang anong future ko for 2020 march 10,1979 po ako pinanganak tanong ko lang kinabukasan ko po..may anak po ako na maliit 4 months pa lang june 23,2019 pa naipanganak gusto ko po sana bumalik ng ibang bansa suswertehen po kaya ako salamat po..palagi po ako nagbabasa sa article mo dito salamat po inaasahan ko ang iyong reply???

  5. Akin po July 19, 1988 please

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here