Kapangyarihan : Hottest body part ng bawat zodiac

4073

Bawat zodiac ay may bahagi o parte ng katawan na strongly aligned sa kanilang ability to charm or attract other. Sa Kapangyarihan July 4, iisa-isahin ko ang pinaka-hottest body part ng bawat zodiac sign.

 

Aries: Legs

        Ang iyong binti ay sexy at attractive. Ito ang iyong asset. Mas bagay sa iyo kung lagi kang naka-shorts upang ma-highlight ito.

 

 Taurus: Ears

        Sa maniwala ka o sa hindi, ang mga tainga mo ang pinaka attractive at sensual part ng iyong katawan. Ang hugis at sukat nito ay nakaka-attract sa iba.

 

Gemini: Eyes

        May kasabihan na ang mga mata ang bintana ng kaluluwa. Totoo ito, lalo na sa mga taong ipinanganak sa ilalim ng zodiac sign na Gemini. Ang mga mata mo ang iyong sandata at alas upang maka-attract ng tao. Ito rin ang nagsisilbing repleksiyon ng iyong kasalukuyang mood.

 

Cancer: Lips

        Labis na hinahangaan ng mga tao ang iyong labi. Ito ang iyong pinaka-the best asset. Marami ang naghahangad na ito ay mahagkan.

 

Leo: Chin

        Perfect ang iyong baba o chin sa hugis ng iyong mukha. Ginawa nitong perpekto ang lahat sa iyo. Ito ang unang nakikita ng tao sa iyong mukha. Be proud of it. Sa mga kalalakihan, labis na hinahangaan ang mga may balbas na talaga namang nagpapalakas ng sex appeal.

 

Virgo: Belly

        Napakaganda ng iyong tiyan o belly. Dapat mo itong i-highlight. Hindi mo na kailangang magpa-abs pa dahil likas na maganda ang hugis ng iyong tiyan.

 

Libra: Shoulders

        Proportioned ang iyong mga balikat. Kapag ito ay naka-exposed, lahat ay napapatingin sa iyo. Ito ang dahilan kaya kahit anong kasuotan ay babagay sa iyo.

 

Scorpio: Chest

        Sa ayaw mo man o sa gusto, lahat ay napapatingin sa iyong dibdib. Hindi mo sila masisisi na humanga sa napakaganda mong hinaharap. Kinaiinggitan ito ng iyong mga kauri at pinagnanasaan ng mga ka-opposite sex.

 

Sagittarius: Back

        Hindi mo na kailangang humarap upang pagtinginan ka ng iba. Likod mo pa lang, sila ay napapalingon na. Napaka-detailed ng hugis ng iyong likod. Parang modelo. Napakaganda mong mag-damit. Congratulations.

 

Capricorn: Hands

        Ang iyong mga kamay ay very delicate, yet strong. Para itong mga kandila na tutunaw sa lahat. Ito ang main asset mo.

 

Aquarius: Feet

        Kung may isa mang asset ka na dapat mong ipagmayabang, ito ay ang iyong mga paa. Napakaganda ng hugis ng iyong mga paa na talaga namang agaw atensiyon. I-highlight mo ito.

 

Pisces: Neck

        Ang iyong leeg ang perfect area ng iyong katawan. Lahat ay naghahangad na ito ay mahawakan at mahalikan. Upang ito ay iyong ma-highlight, lagi kang magsusuot ng kuwintas.

 

Sana ay nasiyahan ka sa Kapangyarihan July 4.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here