Kapangyarihan July 3: Kilalanin ang tatlong alien species

936

Ang buong universe ay binubuo ng bilyong galaxies. Nakatutuwang isipin na isa sa planeta sa mga galaxies na ito ay may buhay na nilalang o living species tulad ng Earth.

Ayon sa ilang Alien theory, may tatlong lahi o species ng extraterrestrial being na nasa universe ang direktang nakaimpluwensiya sa kasaysayan ng Earth.

  1. Alpha Draconians. Sila ay mula sa reptilian race na bahagi ng Orion Group, atpinaniniwalaang pumanaog sa Earth noong panahon ni Noah. Taglay nila ang sopistikado at modernong teknolohiya. Ayon sa mga isinagawang pananaliksik, binago ng mga Alpha Draconian ang DNA ng mga tao upang mapanatili nila ang control sa sangkatauhan. Nabanggit sa mga piraso ng baso o tablet na natagpuan sa Sumerian dynasty ang tungkol sa Alpha Draconians. Itinuring sila bilang mga demi gods na tinatawag  na Anunnaki. Sila ay mga hybrid race ng reptile at tao na nanirahan sa mga kabundukan ng Caucasus. Nagtayo sila ng mga imperyo at inalipin ang mga tao.
  2. Greys. Sila ang unang papasok sa isip mo kapag narinig mo ang salitang Alien. Nagsimula ang konsepto ng Greys sa naganap na UFO sightings sa Roswell New Mexico noong 1947. Nahahati sa dalawang uri ang mga Greys. Ang mga large Greyay ang mga nilalang na nakasakay sa Mothership. Hindi sila umaalis sa kanilang sasakyan at nagmo-monitor lamang ng mga kaganapan sa daigdig. Ang mga small Grey ay clone counterpart ng mga large Grey na nasa mothership. Ang mga clone small grey ang silang bumababa sa Earth upang galugarin ito at magsagawa ng mga experiments at pagsasaliksik tungkol sa human race. Sila ay walang emosyon at tanging ang interes lamang ay pag-aralan ang mga tao. Pinaniniwalaang matatalino ang Grey at may layunin na pangalagaan at protektahan ang Earth bilang  future investment.
  3. Pleiadians. Sila ay mga kawangis ng tao. Sila ay mga humanoids na nagmula sa constellation of stars ng Taurus, 500 light years layo mula sa Earth. Sinasabing natuklasan nila ang planet Earth noong 225,000 BC., at may ginampanang napakalaking papel sa ebolusyon hanggang 10 A.D., nang sila ay muling magbalik sa planet Earth upang obserbahan ito. Sinasabing sila ay bahagi ngKonseho ng 12 Alien Racesat naglalakbay sa mga dimensiyon upang tayo ay ma-obserbahan. Tulad ng mga tao, sila ay may emosyon. Sila ay naging biktima ng malawakang digmaang pangkalawakan. May isa pang teorya ang nagsasabi na ang mga Pleiadians ay sadyang inhabitant ng Earth, na napilitang lumikas nang ang mundo ay mamatay at muling magsimula ng kaniyang ebolusyon. Nagtangkang lumikas ang mga Pleiadians mula Earth patungong planet Lyra, ngunit itinaboy ng Alpha Centurians.

Ang tatlong alien race na aking tinalakay ay bahagi lamang labindalawang kilala o known alien race sa Earth. Ang tatlong lahi na ito ay tuwirang nakaapekto, o nag-alter ng human history at evolution. Ayon pa sa ilang teorya, ang mga alien race na ito ay naka-monitor o nagmamatiyag lamang mula sa outer space. Sila rin ang mga ipinagpalagay na Diyos at anghel na bumaba sa kalangitan noong unang panahon. Sino nga ba ang makapagsasabi na hindi totoo ang posibilidad na ito? Sabagay, sa lawak ng universe, imposibleng walang ibang buhay na nilalang na naroroon.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here