Kapangyarihan: Mind Control

2624

Tulad ng aking mga natalakay tungkol sa psychic power gaya ng astral projection, teleportation, astral projection, telekinesis, at levitation, isa rin ang mind control sa pambihirang human feat.

Ang mind control ay isang uri ng kakayahang direktahan o utusan ang isang tao gamit lamang ang lakas ng pag-iisip. Tuwiran mong didiktahan ang kanyang kamalayan upang mapasunod mo siya.

Ang mind control ay matagal nang ginagamit sa mundo ng medisina. Ang pagkontrol sa isipan ng isang tao ay karaniwang ginagamit ng mga psychologist upang pag-aralan ang subconscious ng kanilang pasyente at matunton ang pinagmumulan ng kanyang behavioral patterns at phobia. Ang mind control ay kilala rin sa tawag na hypnosis.

Ang Ebolusyon ng Mind Control

   Medieval times pa lamang ay aware na ang mga tao sa mind control. Ngunit, ang mind control noong panahong iyon ay nauuri sa mahika negra o black magic. Naniniwala ang mga tao na ang mind control ay isang uri ng kapangyarihang taglay ng mga black witch o mangkukulam na kanilang ginagamit upang makapambiktima.

Bahagyang nabago ang interpretasyon at pagtanggap ng mga tao sa mind control noong Renaissance Period. Nang mga panahong ito, ang mind control ay hindi na isang uri ng black magic kundi isang neutral magic na ginagamit ng mga salamangkero sa kanilang pagtatanghal sa publiko.

Ang mind control ay nagkaroon ng scientific basis nang madiskubre ang electroencephalography o mas kilala sa tawag na EEG ng German psychiatrist Hans Berger, na siyang nagtala ng kauna-unahang EEG recordings noong 1924, kung saan ang una niyang report ay may kinalaman sa pagtaas at pagbaba ng alpha at beta waves. Ayon kay Berger, ang tao ay may kakayahang mag-release ng mind waves patungo sa utak ng isang tao, na maaaring makaapekto sa kaniya.

Noong dekada 70, ang mind control ay naging isang national craze at ilang workshops rin sa Easalen at San Francisco ang isinagawa tungkol rito.

Sa ngayon, ang mga makabagong devices ang naghatid sa mind control sa bagong level sa scientific field of studies. Ang mga developers na ito ay patuloy sa paglinang ng mga makabagong aparato kung saan ang mga computer gamers ay magagamit ang mind control sa kanilang paglalaro.  Halimbawa na rito ay ang developer na NeuroSky na nakabase sa San Jose. Ang developer na ito ang lumikha ng MindWave Mobile headset na may forehead sensor na may kakayahang mag-recognize ng electrical signal mula sa utak. Ang sensor na ito ay gumagamit ng EEG technology. Ito ay high-tech twist dahil ang headset ay kayang makapag-transmit ng EEG signal via Bluetooth sa isang computer application o app upang malaro ang computer game.

Maliban dito, nakapag-develop na rin ang NeuroSky ng isa pang uri ng game na laan sa mga batang may ADHD o attention deficit hyperactivity disorder na tutulong sa kanila upang magkaroon ng focus. Ang iba pang app makers ay nakalikha ng isang laro na magagawang makapag-drive ng player ng isang virtual truck o kaya ay makapag-control ng toy helicopter gamit lamang ang isip.

Ang ibang mind control technologies ay nagtataglay nang mas masalimuot o komplikadong application. Halimbawa nito  ay ang NeuroSky Mindset “Brainwave Visualizer”, na tutulong sa iyo upang masagot mo ang anumang mahirap na math questions.

Pahuling Salita

Ang malaking katanungan ay posible nga bang madiktahan ang isip ng isang tao at mapasunod siya sa iyong gusto sa tulong ng hypnosis o mind control?

May ilang conspiracy theories na nagbunyag na ang mga ahensiyang tulad ng CIA at KGB ay pawang gumagamit ng hypnosis therapy upang makalikha ng mga perpektong spy at assassin. Ngunit, ang mga ito ay pawang teorya lamang.

Ang Science ay patuloy na nagsasaliksik sa posibilidad ng mind control. Ang ilang nakikitang solusyon ng mga siyentipiko ay ang paggamit ng drugs o gamot na ipapainom sa isang tao upang mai-reprogram ang kanyang isipan at mapasunod siya sa iyong kagustuhan.

Ngunit, sa aking sariling pananaw, hindi imposible ang mind control. Sa tulong ng tamang training at meditation, magagawa mong mapalakas ang iyong isipan upang makapag-emit ito ng enerhiya at waves na magagamit mo para makontrol ang isang tao.

Aking tatalakayin sa susunod ang ilang simpleng paraan o teknik upang masagawa ang mind controlling.

Subaybayan!

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here