Kapangyarihan July 20: Ang Telekinesis Tunghayan mo ang Kapangyarihan

1419

May iba’t ibang uri ng psychic power. Ito ay maaaring passive o tago tulad ng precognition o kakayahang makakita ng hinaharap, telepathy o remote viewing, at empathy o kakayahang makaramdam ng mga bagay at emosyon sa paligid. May mga psychic power din naman na active na lantarang makikita ng dalawang mata ang epekto. Isa na sa pinakapopular na active psychic power ay ang psychokinetic, o mas kilala sa tawag na telekinesis.

Ang term na psychokinesis ay mula sa Greek work na ang ibig sabihin ay “mind” and “motion”. Ipinagpapalagay na ang telekinesis ang pinakamalakas na uri ng active psychic power dahil ito ay tuwirang gumagamit ng lakas ng isip upang mapagalaw ang mga bagay sa paligid.

 

Ang Telekinesis sa Popular Media

Popular ang psychokinetic sa mga pelikula at nobela. Isa sa popular na fictional character na nagpakita ng telekinetic ability ay ang karakter ni Shannen Doherty na si Prudence “Prue” Halliwell sa super hit TV show Charmed na umere noong 1998 hanggang 2006.

Ayon sa isinagawang 2005 Baylor Religon Survey, halos 15 porsiyento ng tao sa buong mundo ay naniniwala na mayroon talagang mga taong biniyayaan ng psychic ability. Ipinagpapalagay rin na ang kakayahang ito ay konektado sa spiritual world.

Ang Telekinesis at ang Spiritual World

Noong unang panahon pa lamang, naniniwala na ang ilan na possible ngang makapagpagalaw ang isang tao ng mga bagay gamit lamang ang kaniyang isip, bagama’t noong 1800 lamang nagkaroon ng masasabing kauna-unahang scientific demonstration ng nasabing psychic power, o ability. Ito ay naganap sa kasagsagan ng early religion Spiritualism, kung saan ang mga psychic mediums ay nagsasabing nagagawa nilang makipag-ugnayan sa mundo ng mga patay sa pamamagitan ng  séances.

Sa tuwing nagsasagawa ang mga psychic mediums ng kanilang séances, ang mga bagay sa kanilang paligid ay misteryosong lumulutang sa ere at gumagalaw sa kanilang mga kinalalagyan. Epekto diumano ito ng enerhiya ng mga espiritu sa paligid na kanilang kinokontak.

Maraming tao ang nakumbinsi na totoo nga ang séances, kabilang na rito ang creator ngSherlock Homes na si Sir Arthur Conan Doyle. Gayunpaman, marami pa rin ang nagpahayag ng kanilang ibang pananaw. Anila, kaya lamang lumulutang o gumagalaw ang mga gamit ay dahil sa mga wires na nakatago sa mga madidilim na kurtina.

Dahil sa mga espekulasyon ng mga debunker ng séances, unti-unting lumamlam ang interes ng mga tao sa psychokinetic. Hanggang nitong 1930-1940, muling nagbalik ang interes ng madla sa nasabing psychic ability nang magsagawa ng isang laboratory experiment ang researcher na si J.B. Rhine ng Duke University upang i-validate ang katotohanan ng telekinesis.

Kumuha si J.B. Rhine ng mga test subjects na nagtangkang pagalawin o pagulungin ang mga dice rolls gamit lamang ang isip. Bagama’t nagpakita lamang ng napakaliit na chance of probability ang resulta ng nasabing laboratory experiment, ang katotohanang nagawa ngang mapagalaw ng mga test subject ni J.B. Rhine ang dice rolls gamit lamang ang isip ay malaking bagay na upang makumbinsi muli ang mga tao sa posibilidad ng mind power.

Isang psychic rin ang muling naglinis sa reputasyon ng telekinesis, si Uri Geller, o mas kilala bilang si Spoon Bender, dahil sa kakayahan niyang baluktutin ang matigas na kutsara gamit lamang ang kanyang isip.  Nagsimula ang career ni Uri Geller bilang psychic noong 1970 kung saan ang kaniyang psychokinetic ability ang naging selling point niya.

 

Ang Telekinesis at ang Modern Technology

Sinabi ng researcher na si Russell Targ sa kanyang librong The Reality of ESP (2012, Quest Books)  na ang mga ebidensiyang nakalap sa laboratory psychokinesis ay lubhang mahina.

Noong 2017, inanunsiyo ng kompanyang Nuerable ang kanilang plano na mag-develop ng isang virtual psychokinesis sa pamamagitan ng computer game na Awakening. Sa tulong ng eye movement tracking technology at electroencephalogram (EEG) sensors na nakakabit sa headset, magagawa ng mga players na pagalawin at manipulahin ang mga bagay na virtual world sa pamamagitan lamang ng pagtingin at pag-iisip.

 

Pahuling Salita

Tunay na makapangyarihan ang isip ng tao. Katotohanan sa kasabihang, it is all in the mind, ang ating isipan ay kayang gumawa ng sarili nitong realidad. Kung ano ang ating isipin, iyon ang magaganap. Ganyan makapangyarihan ang ating isipan. Ito ay naglalabas o nage-emit ng mga energy at electrons. Kaya ang posibilidad na totoo ang psychokinetic ay napakalaki. Sadyang may mga biniyayan ng ganitong kakayahan. At dahil hindi lahat ay may ganitong abilidad, ang pagkakaroon ng telekinetic abilty o power ay sadyang masasabing espesyal.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here