Kapangyarihan: Astral projection, paano ba?

1449

Isa na marahil ang konsepto ng astral projection sa paboritong tema ng mga science fiction film at novels. Sa 2016 blockbuster Doctor Strange, halimbawa, isa sa mga super power na taglay ng bida ay ang astral projection. Ang astral projection ay ang kakayahang maihiwalay angspiritual body sa physical body.

 

Astral Projection, totoo ba?

Dati pa man ay naniniwala na ang karamihan na umaalis ang espiritu sa katawang-lupa habang tayo ay natutulog.

Ayon sa isinagawang survey, walo hanggang 20 porsiyento ng respondent ang nagsabi na nakaranas sila ng astral projection, o out-of-body experience (OBE) minsan sa kanilang buhay. Bagamat karamihan ng OBE ay nagaganap tuwing sleeping state o hypnosis state, ang iba ay nagsasabing nagagawa nilang makapag-astral project sa kanilang kagustuhan.

Ang astral projection ay maituturing na personalized experience, ngunit kinalaunan ay naging mabentang negosyo na rin ito. Maraming libro, seminars, DVDs at iba pang learning materials ang nangangakong makapagtuturo kung paano magagawang makapag-astral project at makapunta sa ibang dimensions.

 

Science versus OBE

Tunay na kagila-gilalas na karanasan ang OBE, ngunit ang malaking butas sa katotohanan nito ay ang kawalan ng scientific measure upang mapatotohanan na ang espiritu ay lumalabas at bumabalik nga ng katawan during OBE.

Ayon sa Science, ang logic sa likod ng OBE ay posibleng ang mga taong nakararanas diumano ng astral projection ay nagpapantasya lamang, o kaya ay nananaginip. Dahil sa kawalan ng scientific evidence, hindi tinatanggap ng siyensya ang katotohan ng astral projection.

Ngunit, bakit nga ba hindi magawang i-validate ng science kung totoo o hindi ang astral projection? Ang sagot: dahil sarado ang isipan ng mga mainstream scientist at ayaw nilang tanggapin ang mga non-clinical evidence ng astral projection.

Kung tutuusin, napakadali lang i-validate ang OBE. Ang conductor ay maaaring magtago ng ilang mga bagay o gamit sa iba’t ibang lugar na siyang ipapahanap sa test subject kapag siya ay nasa out-of-body state na. Pagkatapos makapag-astral project ng test subject ay saka niya idi-describe at ituturo ang mga bagay na itinago ng conductor.

Ang isa pang puna ng mga scientist sa OBE ay ang pagkakatugma ng naging karanasan ng mga taong nag-undergo ng hypnosis session para makapag-astral project. Anila, malinaw na ang mga nakikita ng mga taong nag-undergo ng hypnosis ay bunga lamang ng auto suggestion at guided imagery na sinasabi ng conductor, during hypnosis session. Sinegundahan ito ni Susan Blackmore sa kaniyang librong Beyond Body: An Investigation of Out-of-Body Experiences. Ayon kay Blackmore, ang mga taong nag-undergo ng OBE hypnosis session ay nakakuha ng mataas na score sa hypnotizability.  Samakatuwid, ang out-of-body experience ay masasabing more on imagination, suggestible, at fantasy-prone experience, kaysa realidad.

 

Pahuling Salita

Ang astral projection ay isang life-changing experience, bagama’t wala pang scientific proof at evidence na totoo ngang nakalalabas ang ating espiritu sa katawang-lupa natin. Gayunpaman, hindi tayo dapat manghusga. Ang out-of-body experience ay isang personal experience. Tanging ang nakaranas lamang nito ang makapagva-validate kung totoo o hindi ang kaniyang karanasan.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here