Kapangyarihan: Kilalanin ang mga Shadow People

2578

Tunghayan ang Kapangyarihan August 1.

Maraming nilalang ang namumuhay sa mundong ito. Ang mga nilalang na may pisikal na katawan ay umiiral sa three-dimensional world. Yaong mga energy beings na tinatawag, sa kabilang banda, ay matatagpuan sa ibang vibration, labas sa mundong ating ginagalawan, o ang tinatawag na spiritual world.

Isa sa mga popular na nilalang na nananahan sa spiritual world ay ang mga tinatawag na shadow people o mga taong-anino. Sila ay mga mga maiitim na nilalang na mistulang anino na kadalasang nahahagip ng ating peripheral view.

Hindi madaling kilalanin ang mga shadow people dahil mabibilis ang kanilang kilos at bago mo pa man sila mapagmasdang mabuti na wala na sila sa iyong paningin. Kadalasang sila ay lumillitaw sa gabi.

 

Narito ang ilang common features ng mga taong-anino.

  1. Kadalasang may suot silang sombrero at old fashioned tuxedo.
  2. Sila ay mga anino na mistulang humanoid na bigla  na lamang dumaraan sa ating harap at kadalasang nahahagip ng ating peripheral view.
  3. Hindi matiyak kung ano ang kanilang kasarian o gender, bagama’t karaniwang may bulto sila na tulad ng sa isang lalaki.
  4. Nakatatagos sila sa mga solido at konkretong bagay tulad ng dingding at pader.
  5. Sila ay matatangkad na umaabot ng anim hanggang pitong talampakan. Ngunit may ilan na pandak.
  6. Wala silang visible eyes, bagama’t may ilang encounterkung saan nakikita na nagbabagang kulay pula ang kanilang mga mata.
  7. Napakabilis nilang kumilos na para bang nagi-slidelang sa hangin.

 

Iba’t iba ang hugis at sukat ng mga shadow people, bagama’t may ilan silang distinction. Narito ang ilan.

  1. Mga namamasyal na anino. Karaniwan silang makikitang pagala-gala sa loob ng bahay, partikular sa mga silid. Minsan ay maaaktuhan silang nakatayo lang sa isang sulok, o kaya ay sa may pintuan, habang sila ay tila nagmamasid. Hindi nila intensiyon na makipag-ugnayan sa atin, at ang tanging goalnila ay panoorin ang ating mga ginagawa. Sa sandaling malaman nilang sila ay nakikita na, sila ay mabilis na maglalaho at lalagos sa dingding. Karaniwang sila ay nasa hugis ng isang matangkad na lalaki na nakasuot ng sombrero at tuxedo. Ang mga ganitong uri ng shadow people ay karaniwang attached sa isang tao kaya niya laging sinusundan.
  2. Mga bumibisitang anino. Ang mga ito ay may sariling routineat walang interes sa ating pang-araw-araw na gawain. Karaniwang sila ay dumaraan lamang at wala silang pakialam kahit sila ay nakikita. Ang mga uri ng shadow people na nito ay masasabi nating harmless dahil sila ay napaparaan lamang at walang intensiyon na tayo ay pakialaman o obserbahan.
  3. Ang mga nananakot na anino. Ang mga ito ay karaniwang nakikita lamang sa isang puwesto at doon ay namamalagi. Pinaniniwalaan na ang mga shadow people na ito ay may strong emotionaltie sa lugar kung saan sila karaniwang nakikita. Ang mga aninong ito ay karaniwan ding nakikita sa mga haunted place.

Ang mga shadow people ay maikakategorya bilang mga negative entity. Upang maitaboy ang mga negative energy na ito, kinakailangang maging matatag ka mentally and spiritually. Makatutulong ang wastong panalangin upang maitaboy mo ang mga enerhiyang ito. Higit sa lahat, huwag kang matakot. Gamitin mo ang iyong inner force at spiritual tranquility upang maipakita mo sa mga nilalang na ito na ikaw ay malakas at hindi nila basta-basta masisindak.

Salamat sa pagbasa sa Kapangyarihan August 1.

 

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

2 COMMENTS

  1. Paanu kaya yung nararamdam ko kc ngayun nakatira kami sa company owned born again my ari nung tinayo ang building d talaga to na blessingan , nung bata pa ako catolik talaga ako kc yung lola lolo ko minister sa simbahn pero ngayun d2 na ako ng work ng transfer ako ng baptist religion gabi gabi naman ako ng pa pray pero ngayun past 2wks na ngsisindi na kc ako ng kandila pg ng pray pero sa Di ko maintindihan pg nakapikit ang mata ko pag ng pray parang my tao dumaan sa harapan ko na tumabi pa tas kinakilabutan hnggng ngayun mg 2wks na na ko ng pray pero takot na ako pumikit parehas kgabi d nga ako nakapikit pero bigla ako kinilabutan prang my nakatingin kc sa akin

  2. pano po yun , di ko alam pero over years i mean since bata pa ko nararamdaman ko na po sila may third eye po ako kaya madali ko lang minamasdan at nararamdaman..
    sabihin na ting siraulo na ako pero parang over the years is parang binabantayan nila ako.. possible b yun?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here