Kapangyarihan: Basic Feng Shui

5484
feng shui on philippineone.com

Ang feng shui ay tinatawag na “art of placement” o sining sa pag-aayos ng mga bagay upang ma-attract ang tamang enerhiya ng uniberso na makapaghahatid ng magandang kapalaran. Ito ay nakaugnay sa oras, espasyo, mga kulay, hugis,  numero, at higit sa lahat, sa apat na elemento ng mundo.
Ang pagkakaroon ng masaganang buhay ay dapat na paghirapan. Ito ay may kaakibat na hardwork, positibong pananaw, determinasyon at hindi matitinag na pagnanasang umangat sa buhay. Ang pag-attract sa tamang enerhiya ay makatutulong din naman sa pagkamit ng kasaganaan.
Narito ang ilang basic feng shui tips na maaaring subukan sa iyong tahanan upang kasaganaan ay iyong mahatak sa buhay.
1. Panatiliing maaliwalas ang front door ng bahay. Inaakit ng liwanag ang positibong enerhiya. Ang negatibong enerhiya ay nananahan sa madilim, marumi at masikip na kapaligiran. Upang patuluyin ang positive energy sa bahay, mahalagang walang mga sagabal sa inyong front door. Maglagay ng halamang namumulaklak sa pasukan ng bahay upang mabalanse ang “chi” o feng shui energy dahil ang halaman ay buhay na elemento.
2. Maglagay ng isang bowl na puno ng prutas sa inyong dining table. Hangga’t maaari ay ugaliing sa dining table kumain at hindi sa sofa habang nanonood ng TV o kaya ay sa kung saan-saan bahagi ng bahay. Ang pagkain ng sama-sama sa dining table ay nakakahatak ng positibong enerhiya lalo na kung masaya ang bawat isa sa hapagkainan habang nagbabahagian ng mga kuwento o pangyayari sa buong araw.

  1. Gawing masagana lagi ang hapag kainan sa paglalagay ng mga prutas at iba pang pagkain tulad ng tinapay at iba pang healthy snacks. Huwag hahayaang bakante o walang laman ang lamesa. Sa science, naipaliwanag na  ayaw ng uniberso o universe ang vacuum o kawalan. Iwasan itong i-reflect sa inyong hapagkainan sa pamamagitan ng pagpuno dito ng mga pagkain. Isa pang tips, gumamit ng earth clay bowl o kaya ay basket na gawa sa rattan bilang lalagyan ng mga pagkain. Iwasan ang paggamit ng mga lalagyan o bowl na gawa sa plastic at iba pang synthetic material sapagkat ang mga ito ay walang buhay. Ibig sabihin, ito ay walang enerhiya.
  2. Panatilihing clutter-free ang bahay. Naaakit ang positibong enerhiya sa maaliwalas na espasyo. Maging organisado sa lahat ng gamit. Isa pang lohikal na paliwanag dito, kung ito ay hindi organisado sa lahat ng gamit mo, ikaw ay laging mabubugnot sa paghahanap ng mga gamit sa tuwing kakailanganin mo na ito. Ang “inis” at “galit” ay may hatid na negatibong enerhiya. Dapat ay laging kalmado at masaya.
    4. Alamin ang “universal wealth corner” ng inyong bahay. Sa feng shui, ito ay matatagpuan sa southest portion kung saan nakalagak ang wealth energy. Ugaliing maglagay sa corner na ito ng mga halamang buhay tulad ng lucky bamboo at money tree.
    5. Maglagay ng mga good luck symbols upang maakit ang wealth at prosperity sa tahanan. Ilan sa mga popular na good luck symbols ay ang money toad, ching coins na may nakataling pulang laso o ribbon, laughing Buddha, God of Wealth o Kuan Kung, at citrine cystal money tree. Ilagay ang mga ito sa pasukan ng bahay.

Ang mga nasabing feng shui tips ay mga simpleng paraan lamang upang ang positibong enerhiya na naghahatid ng suwerte at kasaganahan ay dumaloy sa iyong buhay. Makabubuting gumawa lagi ng tama at nakalulugod sa kapwa upang ikaw ay pagpalain sa buhay. Tatandaan lagi, bawal ang nega.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

3 COMMENTS

  1. May 30 1983
    Lagi down ng mgulng at kptid ko
    May swerte po drting sakin etong may

    Mkktgpo po mg mmhl sakin
    Mkkaalis po b ulit ako

  2. May 30 1983
    Lagi ako down ng mgulng at kptid ko
    May swerte po drting sakin etong may

    Mkktgpo po mg mmhl sakin
    Mkkaalis po b ulit ako
    May nagmhal nga sakin may aswa nmn

  3. Magkatabi po house namin ng sister isa lang po ang lutuan namin sa bahay po namin sila nagluluto swerte po ba yun?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here