Kapangyarihan: Paano nagaganap ang Deja Vu?

0
685

Ang Deja Vu ay isang phenomenon kung saan tila nangyari na ang isang pangyayaring kasalukuyang nagaganap pa lamang. Sa hindi mo mawari ay parang naranasan mo na ito, ngunit hindi mo maalala kung kailan, paano, at saan.

Maraming salik o factors ang maaaring ikonsidera kung bakit nagkakaroon ng deja vu.

Ang pakiramdam na parang nangyari na ang isang event na kasalukuyang nagaganap pa lamang ay maaaring epekto ng tinatawag na precognitive dream o pangitain sa mga pangyayari sa hinaharap. Sapagkat hindi ka pamilyar sa kung ano nga ba ang precognitive dream na iyong naranasan sa iyong pagtulog, ito ay iyong isinawalang bahala na lamang at nakalimutan. Kaya nang sandaling nagaganap na ang iyong “pangitain”, pakiwari mo ay naganap na ang pangyayari kahit hindi pa. Ito ay dahil nakita mo na ang mga kasalukuyang pangyayari bago pa man ito aktuwal na maganap.

May kinalaman din ang reincarnation sa deja vu. Maaaring minsan sa nakaraan mong buhay, parehong pangyayari sa kasalukuyan ang naranasan mo noon. History repeats itself, ika nga. Halimbawa, ikaw ay nabuhay noong Victorian Era sa Britain. Ang iyong tahanan ay sa may parang o bukurin. Ang daan pabalik sa inyong tahanan ay isang malaki at antigong simbahan. Sa kasalukuyan mong buhay, kapag ikaw ay napadaan sa isang antigo at malaking simbahan na may pagkakahawig sa nakikita mo noon sa Britain noong nakaraang buhay mo, alam mo sa sarili mo na may pangyayari nang ganito ngunit hindi mo lamang maalala.

Ang parallel universe, o maraming bersyon ng uniberso at “ikaw”, ay nakikita ding dahilan ng deja vu. Ano nga ba ang parallel universe? Ito ay isang teorya kung saan pinaniniwalaang ang bawat nangyayari sa buhay natin ay may iba’t ibang option at choices na maaari mong pagpilian. At kung anuman ang choices na napili mo, iyon ang huhubog ng iyong present-day life at future. Ngunit, sa katotohanan, lahat ng choices o option ay iyong ginawa sa parallel universe. At ito ay nahati-hati sa maraming bersyon ng iyong “pagkatao” o “ikaw” sa iba’t ibang physical realm. Maaaring may kahalintulad na pangyayari na naganap sa isang bersyon ng “ikaw” sa “ibang universe” sa “ikaw” sa alam mong ginagalawan mong mundo, kaya pakiwari mo ay naganap na ang pangyayari.

Kaya sa susunod, kung pakiwari mo ay naganap na ang isang bagay na nangyayari pa lamang, isipin mo saan mo ito nakita: sa iyong panaginip, sa iyong nakaraang buhay, o kaya ay sa ibang bersyon ng iyong pagkatao sa malayong kalawakan.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here