Kapangyarihan: Ang taglay ng mga puno

3288
Kapangyarihan on philippineone.com

Huwag na huwag mong palalampasing basahin ang Kapangyarihan April 14

        Stress ka na ba? Marami ka bang kinikimkim na hinanakit sa buhay? Marami ka bang unresolved issues at hang-ups? Bakit hindi mo ikuwento sa puno?

        Oo. Ikuwento mo lahat ng problema at issues mo sa puno. Tiyak, sila ay makikinig sa iyo. Hindi ka na nila ida-judge, tutulungan ka pa nilang mawala ang iyong depression at stress. Matagal nang sinasabi ng mga siyentipiko na ang pagyakap sa isang puno ay makabubuti sa iyong kalagayang pisikal, mental, at emosyonal.

Sa aking sariling pananaw, ang tao ay parang cell phone, at ang puno ay ang kanyang charger. Kapag ikaw ay lowbat na, yumakap ka lamang sa puno para ikaw ay ma-recharge.

        Isang bagong pag-aaral ang nagpatunay na kahit hindi ka humawak at yumakap sa mga puno, ang simpleng paglapit mo lamang sa mga ito o kahit sila ay nasa vicinity mo lamang ay malaki na ang maitutulong sa iyong kalusugan.

        Pinatuyan ni Matthew Silvestrone sa kanyang librong Blinded by Science na may kakayahan ang mga puno at halaman na magtanggal ng depression, stress, at iba pang uri ng mental illness ng isang tao. Sinabi pa ni Silvestrone na ang simpleng pakikipag-usap sa mga puno at halaman ay nakapagpapataas ng creativity level ng isang tao.

        Ang dahilan sa likod ng kapangyarihang taglay ng mga puno at halaman ay nakapaloob sa katotohanang ang lahat ng bagay o matter ay may nilalabas na vibration o energy field. Ang bawat klase ng energy field ay may epekto sa atingbiological behavior.

        Sa isang eksperimento, nagawang i-normalize ang blood pressure ng isang high blood patient sa pamamagitan lamang ng pagpapainom dito ng isang basong tubig na isinailalim sa “10Hz vibration” o binaural beat. Ang eksperimentong ito ay walang ipinagkaiba sa mga puno at halaman. Sa sandaling humawak ka sa mga puno at halaman, ang mga ito ay maglalabas ng energy field na tuwirang makaaapekto sa iyong biological behavior.

        Itinuro ng Taosit Master na si Mantok Chia ang paggamit ng mga puno at halaman sa pagmi-meditate upang mawala ang mga negatibong enerhiya sa katawan. Sa kanyang Cosmic Tree Healing Qigong Method, magagawa mong i-align ang iyong aura sa energy field ng mga puno at halaman upang ma-convert ang mga negatibong enerhiya sa iyong katawan tungo sa positibong enerhiya.  Ayon sa Thaoist theory, ang mga puno ay may likas na kapangyarihang taglay dahil sa mahabang panahong pagkakatindig nito sa lupa, lahat ng enerhiya ng mundo pati na ang Universal Force ay nahihigop nito. Sa science, ito ay maihahalintulad sa photosynthesis kung saan ginagamit ng mga halaman at puno ang sikat ng araw upang makumpleto ang kanyang food process.

Ang mga mananaliksik ng Damanhur ay nakatuklas pa ng isang kagila-gilalas na katotohanan tungkol sa mga puno. Ang mga ito ay umaawit. Nang ikonekta ang frequency ng mga halaman sa  isang aparato, sila ang nakabuo ng mga ritmo na kung ita-translate sa mga musical notes ay isang himig. Bukod dito, napatunayan din na ang mga puno ay sumasagot sa anumang katanungang itanong sa kanila, at nagre-react sa sakit kapag pinutol mo sila at tinanggalan ng sanga.

          Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Kung stress ka na sa buhay at tila sasabog na ang iyong utak sa dami ng problema, ikuwento mo lahat ito sa puno. At least, sigurado kang sila ay makikinig sa iyo. Hindi ka pa nila huhusgahan.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here