Top 10 Unexplained Phenomena

0
1214

Tunghayan ang Kapangyarihan Agosto 20.

Kahit moderno na ang panahon, marami pa ring phenomena o kaganapang hindi maipaliwanag ang Science. Kahit anong pagsisikap na hanapan ang mga ito ng lohikal na eksplanasyon, karamihan sa mga ito ay nananatiling misteryo.

Ngayon sa Kapangyarihan, aking iisa-isahin ang mga hindi maipaliwanag na phenomena sa buong mundo. Ikaw na ang humatol.

  1. ANG TAOS HUM SA NEW MEXICO. Ilang dekada nang palaisipan sa maliit na bayan ng Taos, New Mexico kung saan nagmumula ang faint low-frequencyna huni na “huuum”. Halos dalawang porsiyento ng mga residente ng Taos ay nagsasabing naririnig nila ang mahiwagang huni. Ipinagpapalagay ng ilan na ang unusual acoustics ay isang kaso ngmass hysteria. Ngunit para sa ilan, ito ay nagmumula sa isang unworldly source.
  2. BIG FOOT. Sino ang ba ang hindi makaka-recall sa misteryosong nilalang na ito na kahawig ng isang tsonggo? Ilang dekada nang palaisipan ang manlike beastsna ito. Marami na ring witnesses sa iba’t ibang panig ng America ang nagsabing nagkaroon sila ng close encounter kay Big Foot.
  3. INTUITION. Tinatawag rin itong gut feelings, or sixth sense, sa paranormal world. Ito ay isang uri ng malakas na kutob sa mga kaganapan sa paligid. Ayon sa mga paranormal experts, ang ibang tao ay nakaka-pickup, subconsciously, ng mga impormasyon na naka-embed sa mga molecules at particles sa paligid. Ang utak ng tao ay nagi-emit ng frequency. May kakayahan ito ng makasagap ng signal na parang pagsagap ng mga antennae at satellite ng signals.  Ngunit, ang intuition ay hindi pa ganap na naipapaliwanag ng Science. Wala pa itong solidong scientific proof at facts, kaya ito ay ikinokonsidera pa ring Pseudoscience. Para sa iba pang babasahin na may kinalaman sa power of the mind, i-click lamang ang link na ito upang mabasa ang aking article patungkol dito: https://philippineone.com/kapangyarihan-agosto-14-ano-ang-quantum-reality/
  4. MYSTERIOUS DISAPPEARANCES.Ilang insidente na ng mga nawawalang tao ang naitala sa kasaysayan. Ang mga taong ito ay nawala na lang na parang bula at walang makitang anumang bakas. Sa Pilipinas, pinaniniwalaan na ang mga taong nawawala na lamang ng walang bakas ay maaaring kinukuha ng mga engkanto, o kaya ay napaglaruan ng mga kakaibang nilalang. Interesado ka bang kilalanin ang iba’t ibang uri ng engkantada? Panoorin ninyo ang ginawang short documentary ng Philippine One patungkol rito.

DIWATA: https://philippineone.com/diwata/

Ang ilang paranormal experts ay nagbigay ng teorya na ang mga nawawalang tao ay maaaring nabiktima ng split of time kung saan sila ay maaaring napunta sa ibang dimensiyon, o kaya ay sa ibang timeline o panahon. Sino nga ba ang makapagsasabi?

  1. MULTO. Lahat ng tao ay alam ang term na multo o “ghosts”. Marahil, minsan sa buhay mo ay natakot ka na rin nang dahil sa multo. Maraming mga tao ang nagsasabing sila ay nakakita na ng multo. Sa katunayan, marami ring larawan o video ang nagpapakita ng multong aksidenteng nakunan o nahagip ng lente. Ang mga ghost investigator ay umaasa pa rin na balang araw, mapapatunayan nila ang totoong existence ng mga multo.

Para sa iba ko pang article na may kinalaman sa multo, i-click lamang ang link na ito:https://philippineone.com/kapangyarihan-agosto-5-limang-uri-ng-espiritu-o-multo/

  1. DÉJÀ VU. Ito ay French phrase na nangangahulugang “parang nangyari na”. Ito ay isang phenomenon kung saan pakiwari mo ay naganap na ang isang bagay bago pa man ito mangyari, ngunit hindi mo lamang maalala kung kailan o kung saan mo ito naranasan. Upang higit mong maunawaan ang Déjà vu, i-click lamang ang link na ito:https://philippineone.com/kapangyarihan-april-16-paano-nagaganap-ang-deja-vu-2/
  2. UFOs. Isa ito sa pinaka-controversial at pinakapopular na paksa  ng paranormal. Ang mga UFOs sightings sa iba’t ibang panig ng mundo ay nagiging big news. Nangangahulugan lamang na buhay na buhay ang interes ng mga tao sa ideya na may iba pang nilalang na nabubuhay sa labas ng kalawakan. May iba pang account kung saan sinasabi nilang sila ay na-abduct ng mga extraterrestrial beings. Para sa iba pang babasahin na may kinalaman sa mga UFOs, i-click lamang ang mga link na ito upang mabasa ang aking mga articles tungkol dito:

Ancient Aliens: https://philippineone.com/kapangyarihan-may-6-ancient-aliens222/

 

Tatlong Alien Species: https://philippineone.com/kapangyarihan-july-3-kilalanin-ang-tatlong-alien-species/

  1. LIFE AFTER DEATH AT NEAR DEATH EXPERIENCES. Ang katanungan kung may buhay ba pagkatapos ng kamatayan ay isang misteryo na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanapan ng kasagutan. Wala pang scientific experiment ang susuporta sa katotohanan nito. Tanging mga testimonya lamang ng mga taong nakaranas ng Near Death Experiences (NDEs) ang mapanghahawakan. Ayon sa testimonya ng mga taong nakaranas ng saglit na kamatayan, sila ay naglakbay sa mahabang tunnel at sa dulo nito ay isang napakaliwanag na silid kung saan naghihintay ang kanilang mga mahal sa buhay na matagal nang lumisan sa mundo. Para sa iba pang kaalaman patungkol sa NDEs at Life After Death, basahin ang iba ko pang article patungkol dito:

Mga Bagay na Mangyayari sa Afterlife: https://philippineone.com/kapangyarihan-july-2-mga-bagay-na-mangyayari-sa-afterlife/

Saan Tayo Pupunta Kapag Tayo ay Namatay: https://philippineone.com/kapangyarihan-april-19-saan-tayo-pupunta-kapag-tayo-ay-namatay/

  1. PSYCHIC POWERS AT ESP. Ito ang mga kakayahang lagpas sa karaniwang lebel ng kakayahan ng utak ng isang tao. May iba’t ibang uri ng psychic powers. Basahin ang aking mga articles patungkol dito upang higit itong maunawaan.

Iba’t ibang Uri ng Psychic Powers: https://philippineone.com/kapangyarihan-agosto-7-ang-ibat-ibang-psychic-powers/

Telekinesis:       https://philippineone.com/kapangyarihan-july-20-ang-telekinesis-tunghayan-mo-123/

Levitation:       https://philippineone.com/kapangyarihan-july-21-magic-levitation/

Mind Control:  https://philippineone.com/kapangyarihan-july-21-mind-control/

Teleportation:  https://philippineone.com/kapangyarihan-july-14-teleportation-posible-ba/

 

Empath:  https://philippineone.com/kapangyarihan-july-31-paano-maging-empath/

Astral Projection:     https://philippineone.com/kapangyarihan-july-19-astral-projection-paano-ba/

  1. TIME TRAVEL. Isa ito sa pinaka-interesting science paradox sa human history. Marami ang interesado kung possible nga bang makapaglakbay sa pabalik sa nakaraan at makapunta sa hinaharap. Ang time traveling ay paboritong paksain sa mga sci-fi movies. Pati ang pinakapamosong Physicist ng kasaysayan na si Albert Einstein ay nagbigay ng kanyang opinyon patungkol sa posibilidad ng time traveling. Para sa detalyadong paksa patungkol sa time traveling at posibilidad nito, i-click lamang ang link upang mabasa ang buong article ko tungkol dito: https://philippineone.com/kapangyarihan-april-29-time-travel-posible-nga-ba/

Alin sa mga unexplained phenomena ang labis na nagpamangha sa iyo? Mayroon ka rin bang hindi maipaliwanag na karanasan na ibig mong ibahagi? I-message lamang sa Philippine One, o sa aking personal Facebook Page na Pinoy Majjica https://www.facebook.com/pinoymajica/

Salamat sa Kapangyarihan Agosto 14.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here