Kapangyarihan : Feng Shui Tips Para Sa Iyong Love Life

5259
feng shui on philippineone.com

Ang pagkakaroon ng lovelife at pagmi-maintain nito ay kinakailangang paglaanan ng tamang atensiyon, panahon at emosyon. Kailangan ang wastong pag-unawa sa kapareha at tiyaking hindi mawawala ang init at excitement sa inyong pagsasama.

Narito ang ilang feng shui tips na maaari mong subukan upang higit na mapabuti ang kasalukuyang kalagayan ng iyong love life.

  1. Panatilihing malinis ang silid. Magiging mabagal at mahina ang pagdaloy ng enerhiya kung marumi ang iyong silid. Samakatuwid, kailangang organisado ang lahat ng bagay rito para walang maging sagabal sa maalwan na daloy ng positibong enerhiya na may mabuting epekto sa iyong love life. Sa tuwing ikaw ay maglilinis, magpakalembang ng bello kaya ay pumalakpak ka para maiwasang mai-stuck ang enerhiya at ito ay maayos na dumaloy sa iyong silid.
  2. Maglaan ng spacepara sa isa pang tao sa iyong silid-tulugan para mauwi sa kasalan ang kasalukuyan mong relasyon. Oo, i-affirm mo na na tila kasama mo nang natutulog ang iyong kasintahan sa iyong silid. Maglagay ng isang bakanteng unan sa tabi mo at i-imagine na katabi m na siya sa pagtulog. Alisin din ang mga abubot na hindi kailangan sa iyong aparador o closet at isipin na ang bakanteng space dito ay para sa gamit ng iyong kasintahan.
  3. Gamitin ang feng shui power ng Mandarin Ducks. Kung nais mong mapuno ng suwerte at tagumpay ang iyong love lifeat ma-attract ang positibong enerhiya sa iyong romantic life, maglagay ng tatlong piraso ng Mandarin Ducks sa south-west side ng iyong silid. Maaaring makabili ng mga Mandarin Ducks sa Binondo o China Town.
  4. Itapon na ang mga lumang damit na magpapaalala sa mga failed relationship mo sa nakaraan. Oo, move onna. Huwag kang magtitira ng kahit na anong gamit ng ex mo sa iyong silid—kahit gaano pa  kamahal o ka-nostalgic ang mga ito. Itapon mo ang mga ito ay sunugin upang tuluyan nang maputol ang negative energy na nakatali sa mga ito.
  5. Tanggalin ang anumang bagay na may negative representation sa iyong silid. Ang mga  paintingsosculpture na may malungkot na mukha at nagpapakita ng mga eksena ng kaguluhan, kagutuman, giyera, at iba pang hindi kaaya-ayang pangyayari ay may hatid na negatibong enerhiya na may impact din sa iyonglove life.
  6. Iwasang maglagay ng mga bagay na maaaring makaharang sa inyong pintuan. Dapat na ang mga pintuan sa inyong bahay ay mabubuksan ng maluwang. Iwasang maglagay ng mga tokador o kahit anong bagay sa likod ng pinto para ito ay mabubuksan ng bukas na bukas. Ang mga half-openedna pintuan ay nakahaharang sa maalwang daloy ng postiibong enerhiya.
  7. Huwag babarahan ang daanan ng “Chi” energy sa bahay. Tiyaking walang nakaharang na anumang furnituresa daanan mula sa main door patungo sa iyong silid. Dapat ay makalalakad ka ng walang sagabal dahil ito ang daluyan ng Chi energy. Tiyakin din na maliwanag ang daan patungo sa iyong silid. Maaaring maglagay ng chandelier o kaya ay LED para maging maliwanag ang bawat sulok ng inyong bahay.
  8. Ayusin ang puwesto ng iyong kama. Kung ang isang bahagi ng iyong kama ay nakadikit sa dingding, may tendency na ikaw ay ma-stuck sa isang relasyon, kahit na hindi  ka na masaya. Hangga’t maaari, ang kama ay dapat na nasa sentro ng iyong silid upang malayang makakasampa ang sinuman sa magkabilang sideng kama. Tiyakin din na malapad at solido ang headboard ng iyong kama para ito ay mag-represent ng solidong love life.
  9. Iwasang magi-exercise sa iyong silid. Huwag ilalagay ang iyong mga sport equipmentsa  silid tulugan. Ang pagod at pagkapagal na mararamdaman mo pagkatapos mong mag-exercise ay maaaring mag-reflect sa iyong love life Samakatuwid, maaaring makaramdam ka rin ng pagod sa kasalukuyang mong relasyon.
  10. 10.I-affirm ang masayang love life. Gumawa ng isang collage sa dingding kung saan nakadikit ang mga larawan na nagpapakita ng iyong ideal romance. Ilagay ito sa wall kung saan lagi mo itong makikita, o kaya ay sa kisame sa itaas ng iyong kama para sa tuwing gabi ay matititigan mo ito.

Ang mga nabanggit na tips ay paalala lamang. Ang solidong pundasyon ng anumang relasyon at pag-ibig ay pagtitiwala, pag-unawa at pagtanggap sa anumang flaws o pagkukulang ng iyong kapareha. Ang mga feng shui tips ay panghatak lamang ng positibong enerhiya na maaari mong idagdag sa inyong relasyon. Kumbaga sa pagkain, ang mga feng shui tips na aking ibinigay ay parang additives na magagamit upang higit pang mapasarap ang inyong relasyon.

Love lots!

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

3 COMMENTS

  1. Jessyl Sulpot Orillo

    Hi po pwd PO phula December 24,1988 PO ako .. single mother ano PO kaya UNG kapalaran ko..

  2. Ang taong ito ay puno ng ups and down. Nasa tamang diskarte mo ang ikakaganda ng buhay mo ngayong 2019. Huwag umasa sa suwerte o ala-chamba ngayong taon. Kailangan mong magsumikap at magkaroon ng determinasyon upang mabago ang takbo ng buhay.

  3. bernardotampoya

    Hi sir Rey Ang puede pahula po July 26 1959

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here