Kamatayan ang Ihahatid ng Taong Nakapula sa Burol

Dalawang kulay lamang ang isinusuot kapag may pupunta sa burol ito ay itim at puti. Huwag na huwag kang magtatangkang magsuot ng kulay pula dahil maaaring kamatayan ang ihatid nito sa’yo.Ang pula kasi ay matingkad nakulay kaya naman ito ay naglalarawan ng kasiyahan. Kung ganoon, masaya ka bang patay na ang nakaburol?

Anuman ang galit na nararamdaman mo sa isang tao, hindi ka dapat magpunta sa kanyang pinagbuburulan na matingkad na matingkad ang kasuotan dahil baka sa kalokohan na iyong ginawa ay maging dahilan ‘yan ng iyong kamatayan. Sa burol kasi ay karaniwang may mga kaluluwang nasa aligid. Hindi lang ang nakaburol ang nandoon, maaari ring may iba pang mga kaluluwa.

At tinitiyak ko sa’yo na hindi sila masisiyahan sa ginawa mong pagsusuot ng pula kaya tiyak na magkakaroon ka ng kaparusahan. Alam mo ba kung anong kaparusahan ang maaari mong kahinatnan. Ano pa, kundi kamatayan. Maaaring ikaw ay maaksidente o bigla na lang mamatay. Karaniwan, maaari kang atakihin sa puso.

Ngaton, gusto mo ba talagang mapahamak dahil sa katigasan ng iyong ulo? Kung ayaw mo pang mawala ng maaga sa mundong ito, huwag na huwag kang pupunta sa patay ng nakasuot ng kulay dahil tinitiyak ko sa’yo na ikapapahamak mo lang ‘yan. O, ano, susunod ka ba o hindi?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here