Kaliwa’t Kanang Aksidente Sa Panaginip

Nakapanaginip ka na ba ng aksidente? Halimbawa ay motorsiklong tumilapon sa kalye, dalawang sasakyang nagkabangaan, bus na nahulog sa bangin o kaya ay plane crash. Hindi lang ito basta panaginip na makikiraan lang sa iyong pagtulog kundi meron itong mensahe na nais ipahiwatig sa’yo. Malaki ang kinalaman nito sa haharaping buhay sa iyong paggising.

Kapag nakasaksi ka ng kahit na anong uri ng aksidente sa iyong panaginip, ito ay may kinalaman sa ilang mahahalagang aspeto sa iyong buhay. Halimbawa nito ay sa pamilya, pag-ibig, negosyo o isang grupo na pinamumunuan. Ikaw ang makapagsasabi kung saang aspeto ito mauugnay sa’yo.

Pamilya

Ang aksidente sa iyong panaginip ay senyales na isa o higit pa sa miyembro ng iyong pamilya ang haharap sa isang malaking pagsubok.Ito ay masasaksihan mo tulad sa kung paano mo nasaksihan ang aksidente sa iyong panaginip. Subalit kung ikaw ay gagalaw para tumulong, malaki ang iyong magagawa para masolusyunan ang problemang kakaharapin ng iyong kapamilya. Pag-ibig

Kung ang panaginip mo naman na aksidente ay mauugnay sa iyong buhay pag-ibig, ito ay nangangahulugan na ikaw ay makararanas ng pagsasakripisyo. Maaaring magkaroon ng third party sa inyong relasyon lalo na kung ang mga sasakyang na-involved sa aksidente sa iyong panaginip ay tatlong sasakyan. Subalit sa kabila nito ay hindi mo magagawang bumitaw sa inyong relasyon.

Kabuhayan

Kung ito naman ay mauugnay sa iyong kabuhayan, maaari ring pagsubok ang kaharapin. Posibleng maranasan ang pagkalugi sa negosyo o hindi magandang sitwasyon sa trabaho. Subalit ito ay pansamantala lang at hindi rin naman magtatagal.

Grupo

Kung ikaw naman ay nabibilang sa isang grupo kahit na anong grupo pa man ito, ito ay babagsak at mahihirapang makabawi. Kakailanganin ng grupong ito ang tulong mo para bumangon. Ang grupong ito ay maaaring dumepende sa’yo, sa kalakasan at kakayahan mo. Tulad sa kung paano mo matutulungan ang iyong pamilya ay ganito rin ang magagawa mo para sa iyong grupo.

Ang kaliwa’t kanang aksidente sa iyong panaginip ay maaari rin namang magkaroon ng positibong kahulugan kung sa panaginip mo matapos ang aksidente ay malalapitan mo ito na parang wala namang nagyari at wala kang makikitang patay o sugatan maliban sa mga sasakyang nagbanggaan. Ito ay nangangahulugan ng isang sorpresang laan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here