KALIKASAN AT KASAYSAYAN

1548

Mainam maglakbay upang makilala ang bansa sa mga buwan makatapos ang mahabang Kapaskuhan at bago ang panahon ng tag-init, Bagama’t manaka-naka’y umuulan, maganda pa ring buwan ang Enero. Naisipan naming pamilya na pasyalan at kilalanin ang Bacolod at karatig-bayan nito. Nagpaiskedyul kami ng pasyal sa isang kaibigang travel/tour agency. Di namin kaya pa ang mangibambansa kung kaya’t Bacolod ang naisip naming kilalanin. Di naman kami nagsisi. Magandang kombinasyon ang kalikasan at kasaysayan sa aming biyahe.

 

Dumating kami sa SIlay-Bacolod Airport bago mag-alas-10 ng umaga ng Biyernes. Agad kaming inihatid sa Masskara Restaurant ng aming service van. Syempre pa, kailangan naming matikman ang totoong chicken inasal, bul-o, kansi atbpang kilalang pagkain ng lugar. Di naman kami nabigo at napakasarap ng aming unang tanghalian. Sunod na sinubukan namin ay ang masasarap na cakes ng Calea sa Lacson St. Binitbit namin ang mga slices sa aming paglalakbay patungong Mambukal para sa aming unang gabi. Nandito na kami sa Kalikasan part ng aming biyahe.

ng Mambukal. Sa mga di na halos nakakasumpong ng sariwang hanging dala ng berdeng kapaligiran ng nanggugubat na gilid ng bundok ay masisiyahan sa sarap ng hangin sa resort na ito. Lubhang mainit nga lang ang dipping pool kung sanay ka lang sa maligamgam na hot spring ng Pansol sa Laguna. Pero ang regular pool ay malinis at ang pagpapamasahe sa Blade Spa ay magandang gawin bago matulog. Isang nakakalugod na family cottage ang aming tinirhan. Kinabukasan, sinubukan namin ang Seven Waterfalls trek pero hanggang ikatlo lang ang naabot namin dahil kulang na rin sa oras. Marami kaming natutuhan tungkol sa mga ibon, paniki, at insekto mula sa aming guide. Bago kami lumisan dinaanan namin ang Butterfly Garden. Parang gusto tuloy naming magkaroon ng ganito sa aming lugar. Sana naman ay makumpuni ang Canopy Walk na dalawang taon na raw nagagamit. Di tuloy kami nakapanulay sa hanging bridge.

Bumiyahe kami patungong Silay para naman sa mga magagandang ancestral homes doon. Syempre dumaan muna kami sa sosyal na turu-turo resto na Aboy’s. Masarap na lunch bago ang kasaysayan part ng aming pasyal. Dumaan muna kami sa San Sebastian Church bago dumerecho sa Balay Negrense. Sana ay mapondohan ng pamahalaan ang mas maayos na pagmementena ng bahay-kasaysayang ito. Ang Hofilena House ang pinakamagandang tuklas ng aming pamilya sa bakasyong ito. Lubha kasing pag-aasikaso at paglelektyur ang tinanggap namin sa mismong may-ari na si G. Ramon Hofilena. Sa edad na 84 ay napalakas pa at napakatalas pa ng memorya ng itinuturing naming pambansang yaman , ang Ginoong ito. Sana ay maipasa niya ang talino at pagmamahal niya sa kasaysayan ng Silay sa maraming kabataan bago siya lumisan sa mundo. Napakayaman sa sining at kasaysayan ng Hofilena House.

Di kumpleto ang pagdalaw sa kasaysayan kundi papasyalang ang sikat na The Ruins sa Talisay. Laman ito ng maraming teledrama, dokumentaryo at litrato. Napakaorganisado na ng pamamalakad sa The Ruins. Maulan nga lang kung kaya’t medyo maputik sa paradahan nila ng sasakyan.

Balik kami sa Bacolod para sa pangalawang gabi. Napansin namin ang matinding trapik sa Lacson St. Parang EDSA na rin. Nalaman din namin na baka dahil ito sa pagdalaw sa isang mall ng sikat na aktor na si Coco Martin.

Marami pa sanang maaaring madiskubre sa Negros Occidental na di kayang pagkasyahin sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi. Sigurado ako na kahit sandali lang kami dito ay uuwi kaming may dagdag na yaman sa karanasan matapos naming madiskubreng muli ang ganda ng kalikasan at ang lalim at kulay ng kasaysayan ng isang bahagi ng ating pinakamamahahal na bayang PIlipinas. Pasyal na!#

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here