Kakulangan Sa Tulog, Nakakaapekto Sa Mental Health Ng Mga Kabataan

0
101

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Kung tayong matatanda ay labis na naaapektuhan kapag kulang sa tulog, what more pa kaya ang mga kabataan? Kahit gaano pa sila kaaktibo ay iindahin at iindahin nila ang kakulangan sa pagtulog. Ayon  sa pag-aaral ay naaapetuhan din nito ang kanilang mental health. Siyam na oras ang ideal na pagtulog para sa mga kabataan. Bawat oras na nababawas sa kanilang pagtulog ay nauugnay sa 38 % na pagtaas ng panganib sa kalungkutan at depresyon at 58 % naman na panganib sa pagpapakamatay. Samakatuwid, kung ang isang kabataan na natutulog lamang ng apat na oras sa gabi at madalas sa umaga tulog ay malaki ang posibilidad na malagay sa peligro ang kondisyon ng kanyang pag-iisip. Nakakaapekto rin ang kakulangan ng pagtulog sa pag-uugali ng isang kabataan kung paano siya makitungo sa mga nakakatanda at nakababata sa kanya. Maging ang kanyang memorya ay apektado rin. Dahil din sa kawalan ng tulog ay hindi nakakapagdesisyon ng tama ang isang kabataan lalo na kung walang paggabay ng mga magulang.

Ilan sa mga dahilan nito ay ang labis nilang paggamit sa mga high tech gadgets, pag-inom ng mga inuming may caffeine, pakikipagbarkada, loaded homeworks, iba’t-ibang aktibidad sa loob at labas ng tahanan at gayundin ang maagang pagpasok nila sa eskwela. Gayunpaman,ang hindi magandang dulot ng kakulangan sa pagtulog ng ating mga kabataan ay maiiwasan kung magagabayan natin sila ng tama. Kadalasan kasi,hindi nila nagagawa ang mga dapat nilang gawin dahil na rin sa walang nagsasabi sa kanila kung ano ang tama at mali. Hindi rin nila ganap na naiintindihan kung ano ba ang lawak ng epekto sa kanila ng isang bagay na akala nila ay okay lang. Dapat tayong maging aware sa anumang kanilang pinagkakaabalahan. Lalo na ngayong malawak ang nagiging impluwensya sa kanila ng social media. Dapat natin silang i-encourage na magkaroon ng healthy lifestyle at isa na sa paraan ang pagkakaroon nila ng sapat na tulog.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here