Kailan nga ba sasagana ang iyong buhay?

Ito ang katanungan ng maraming Pilipino ngayon. Kahit kasi, sobra-sobra na ang paghihirap nila sa kanilang pagtatrabaho, parang hindi pa sapat para sila ay magkaroon ng masaganang buhay. Ang sinasahod naman kasi nila ay kulang nakulang sa mga pang-araw-araw na gastusin at sa mga bayarin. Kaya naman, inakala ng iba na ang pag-aabroad ay solusyon para maging maginhawa ang kanilang pamumuhay.

Ngunit, hindi naman lahat ng nangingibang bansa ay sinusuwerte.Mayroon din naman kasing umuuwing bigo. Ang dahilan, hindi nila kapalaran ang magtagumpay sa ibang bansa. Kalimitan kasi sa mga taong nagtatagumpay sa ibang bansa ay tinaguriang Taong singko. Sila ang mga taong ipinanganak sa petsang 5, 14 at 23,

Ngunit, hindi naman ibig sabihin nito, ang mga Taong Singko lang ang may tendensiya na umasenso. Siyempre, kahit na ano pang petsa ang iyong kapanganakan ay magtatagumpay ka basta, siguraduhin mo lang na magiging masipag ka. Bawat isa naman kasi sa atin ay may iba’t ibang kapalaran ngunit ikaw pa rin ang kokontrol kung ano nga bang kapalaran ang gugustuhin mo.

Alamin mo kung ano nga ba ang gusto mo sa’yong buhay. Pagyamanin mo ang iyong kakayahan at natitiyak ko na sasagana rin ang iyong buhay. Basta, kahit na anong pagsubok ang dumaan sa’yong buhay ay huwag kang susuko. Tulad nga nang nasabi ko na, lahat tayo ay may kanya-kanyang pinagdaraanan at magagawa nating maging matagumpay kung magiging determinado tayong magkaroon ng magandang buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here