Kailan Nagtatagumpay ang Isang Relasyon

Ang magkarelasyon ay nagkakaroon lang ng happy ending kung sila ay talagang nagmamahalan. Hindi lang maaaring isa ang nagmamahal, dapat ay pareho sila para nagagawa nilang paglabanan ang bawat problemang dumarating sa kanilang buhay. Ikaw ba ang nakakasiguo na nagmamahalan talaga kayo ng baba o lalaki na kasama mo ngayon?

Kung magkarelasyon kayo ay madaling magsabi ng ‘oo’ ngunit, iyon ba talaga ang sinasabi ng iyong puso? May mga babaing nabubuntis na hindi naman talaga minamahal ang lalaking nakabuntis sa kanya kaya madali sa kanya na hindi tanggapin ang alok ng guy na magsama sila para sa kanilang anak. Ang dahilan ng pagtanggi ng babae ay hindi lang dahil sa natatakot siyang maghirap kundi dahil sa di niya talaga minamahal ang nakabuntis sa kanya. Marahil ay inakala lang niyang pagmamahal ang kanyang naramdaman dahil lagi niya itong nakakasama.

At kahit na maisip pa ng babae na magsama sila at hindi magtatagumpay ang kanilang pagsasama kung wala talaga sa pagitan nila ang pag-ibig. Nakakalungkot lang talaga na sa panahon ngayon ay parang hindi na mahalaga ang pag-ibig dahil kahit naman hindi talaga sila nagmamahalan ay humahantong sila sa kama at nakakabuo ng bata, Sa huli, ang kanilang anak ang higit na nagdusa dahil magkahiwalay ang kanilang mga magulang

Kaya dapat bago ka sumuot sa isang relasyon ay siguraduhin mong mahal mo talaga ang iyong partner. Hindi maaari iyong minamahal mo lang siya dahil siya ang nakakasama mo. Kapag kasi dumating sa punto na nagkaroon kayo ng problemang mabibigat ay siguradong guguho ang sinasabi mong pagmamahal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here