Kailan magiging happy ang isang tao?

Happy face

Kapag nagagawa mong makangiti ng abot tenga, sigurado akong sobra kang masaya, lalo pa kung makikita kong parang bumbilya na nagniningning ang iyong mga mata. Ikaw, alam mo ba kung Kailan magiging happy ang isang tao?

Una, kapag nakapagbigay ka ng kasiyahan. Sabi nga its better to give than to receive kaya asahan mong makakaramdam ka ng labis na kasiyahan kapag nakita mong ngumiti sa’yo ang isang tao dahil sa naibigay mo sa kanya. Ngunit, bago mo gustuhing mapasaya ang ibang tao, makabubuti kung ang pasasayahin mo muna ay ang iyong pamilya.

Pangalawa, kapag natupad mo ang iyong pangarap. Kung nagawa mong matupad ang iyong pangarap, tiyak na makakaramdam ka ng kasiyahan dahil kahit kanino ay maipagmamalaki mo na naabot mo ang gusto mo sa buhay.

Pangatlo, kapag natagpuan mo ang iyong true love. Kapag may nagmamahal sa’yo talagang hindi mawawala ang ngiti sa labi mo. Napakasarap talaga kapag may taong nag-aalala sa’yo at nagpapaalala kung gaano ka niya kamahal.

Panga-apat, kapag nagkaroon ka ng anak. Siya ay magiging dahilan kung bakit nandito ka sa mundong ito, upang siya ay ipanganak. Kaya naman dapat lang na mahalin mo siya ng higit pa sa’yong buhay.

Panlima, kapag nakontento ka sa’yong buhay. Hindi man ikaw ang magiging pinakamayaman, pinakamaganda o pinakaguwapo sa mundong ito, ang importante ay makaramdam ka ng kakuntentuhan.

O, ikaw, happy ka ba sa buhay mo?

MAG

SHARE
Previous articleANG ALITAN NINA MARDUK AT NINURTA AT ANG PAGGUNAW SA SODOMA’T GOMORRA
Next articlePamahiin Buhok: Mga Dapat Tandaan para di malasin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here