KAILAN KA DAPAT MAGKABIT NG BAGUA SA BAHAY

86

Ang Bagua mirror ay epektibong gamitin  upang maharang o masalag ang iba’t ibang uri ng Sha Chi o negative Chi. Maaari kang magsabit ng Bagua Mirror sa  itaas ng front door/back door kung ang inyong bahay/puwesto o tindahan ay kakikitaan ng mga sumusunod na negative energy (Sha Chi) source.

1.           May mataas na gusali o building malapit sa inyo, lalo na kung ito ay hospital, police station, government buildings, at iba pang kahalintulad na istraktura.

2.           May sala-salabat na kawad ng kuryente o electric power pylons sa harap ng inyong bahay.

3.           Kung ang inyong bahay/tindahan ay tumbok ng kalsada.

4.           May napakalaking puno sa harap o sa malapit.

5.           Kung malapit ang inyong bahay/tindahan sa slaughter house o meat processing factories.

6.           May madumi, abandonado, o condemned building sa harap ng inyong bahay/tindahan.

            7.     Kung may sementeryo o mortuary na malapit sa inyong bahay/tindahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here