Kahulugan ng Patay Na Ilog sa Panaginip

0
164

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Kung dumaan na sa panaginip mo ang isang patay na ilog, maaaring meron itong nais ipahiwatig sa’yo. Kung malinis ang ilog na mapapanaginipan mo at ang dumadaloy na tubig dito ay nakakapagpanatag ng kalooban sa kadalisayan, maganda ang senyales na ipinapahiwatig nito. Pagyaman, tagumpay, mabubuting kaibigan o isang magandang karanasan.

Subalit kung ang mapapanaginipan mo ay isang ilog na patay at ikaw ay nag-iisa lang sa lugar na ‘yon na balot ng kalungkutan, hindi maganda ang nais nitong ipahiwatig. Maaaring ikaw ay may dinaramdam o kinikimkim na galit sa isang tao o higit pa. Ito ay senyales ng isang patay na damdamin. Maaari ka ring makaranas ng depression sanhi ng nakaka-stress na paligid at mga taong nakapaligid sa’yo.

Kung sa panaginip mo naman ay marami kang kasama at kayo ay malapit sa patay na ilog, ito ay nagpapahiwatig ng isang paparating na delubyo o kaya ay hindi magandang senaryo sa iyong buhay na marami ang maaapektuhan.

Kung sa patay na ilog naman ay may makita kang tao na nagtatampisaw pa rin na parang napakasaya pa niya at sa isip niya ay buhay na buhay ang ilog na iyon, may kaibigan o malapit na kamag-anak kang mangangailangan ng iyong tulong. Hindi mo siya matitiis at hindi mo siya magagawang pabayaan sa kanyang kalagayan. Dahil nag-iisa lang siyang nagtatampisaw sa patay na ilog maaaring isang tao lamang siya na apektado sa kanyang problema subalit ang problemang kanyang kakaharapin ay malaki at hindi biro. Maaari rin itong mangahulugan ng pagtatraydor.

Kung ikaw naman ang tao na nagtatampisaw sa patay na ilog, ikaw ang siyang makakaranas ng problema na sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong harapin nang mag-isa. Maaaring may mag-aalok ng tulong sa’yo pero ikaw at ikaw pa rin ang tanging makakalutas nito. Isa itong seryosong problema na mangangailangan ng agarang solusyon. Isa itong hindi magandang sitwasyon na kailangan mo agad gawan ng paraan para malampasan.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here