Kahulugan ng Panaginip; Tuyot na Bulaklak

1455

Marami sa atin ang mahilig sa bulaklak. Lalo na ang mga kababaihan. Gustong gusto natin ang magtanim at makita ang halaman natin na namumulaklak na. Bukod sa nakakapagpaganda ito ng kapaligiran , nakakapagbigay din ito ng kapanatagan at kapayapaan sa ating isipan. Ang mahalimuyak na amoy ng mga bulaklak ay tila gamot na nakapagpapakalma sa ating damdamin. Gustong gusto rin natin na nakakatanggap tayo ng bulaklak galing sa tao na nagmamahal at nagbibigay ng halaga sa atin o kaya naman tayo mismo ang nagbibigay nito. Marami sa mga kakabaihan ang nakaranas na mag-ipit ng petals ng bulaklak na ibinigay sa kanila ng kanilang mahal at hinahayaan ito sa loob ng kanilang libro o kaya naman ay diary. At kahit pa ito ay tuyot na tuyot na ay hindi nila ito inaalis at hinahayaan lang bilang alaala.

Kung sa totoong buhay ay mahalaga ang kahulugan nito, ano naman kaya ang ibig sabihin nito kapag ito ay pumasok na sa iyong panaginip?

Kapag ikaw ay nanaginip ng tuyot na bulaklak, ito ay may iba’t-ibang kahulugan ayon sa kung paano mo ito nakita sa iyong panaginip.

1.Kung ito ay nakita mong nililipad ng hangin palayo sa’yo, ibig sabihin isang problema mo ang masosolusyunan at ikaw mismo ang makapagbibigay ng solusyon.

2.Kung ang tuyot na bulaklak ay nakita mo sa harapan ng iyong pintuan, ito ay isang balala na may paparating na problema at kailangan mo itong paghandaan.

3. Kung ang tuyot na bulaklak naman ay nakita mong nakapatong sa iyong bintana, ibig sabihin ay may kapamilya o kamag-anak kang mamamatay.

4.Kung sa panaginip mo naman ay may nagbigay sa’yo ng tuyot na bulaklak, ibig sabihin ikaw ay pinagtataksilan ng iyong kapareha o karelasyon.

5.Kung ikaw naman ay nakaapak ng tuyot na bulaklak, suwerte naman ang siyang ihahatid sa’yo nito. Ibig sabihin ay mananaig ka sa isang pagsubok.

6.Kung sa panaginip mo naman ay nawawala ang tuyot na petals na inipit mo sa mga pahina ng iyong libro, ibig sabihin ay may kaibigan kang lihim na nagdaramdam sa’yo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here